Bayad sa sine, P83 na lang!

Mas pinamura na ang panood ng sine ngayon.
Wala nang P100.
Sa post ng producer ng pelikulang Quezon, TBA Studios, starring Jericho Rosales, sinabi nila na “For as low as Php83 per movie!??”
Ibabalik nga sa sinehan ang mga Bayaniverse movie na Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral at Quezon sa mga sumusunod na petsa at sinehan :
March 25 to 31 - P83 per movie
Robinsons Galleria Ortigas - P150 per movie
SM Cebu, SM Fairview, SM North Edsa, SM Manila, SM MOA, Robinsons Antipolo, Robinsons Calasiao, Robinsons Manila, Robinsons Gentrias, Robinsons Galleria South, Robinsons Naga, Robinsons Jaro, Robinsons Tuguegarao, Robinsons Valencia, Gateway Cineplex 18, P150 per movie, P200 for 2 or 3 movies, Shopbox Virac (Catanduanes), P180 per movie, Ayala Trinoma, Ayala Market Market, Ayala Fairview Terraces, P350 per movie and Powerplant Cinemas.
Magandang balita ito.
Pero maglalaan pa kaya ng budget ang mga tao sa panood ng sine? Sana naman.
Kesa magbabad sa cellphone na may budget din naman sa load, manood na lang sana ng sine ang karamihan, malamig pa.
- Latest
























