Paris the Pole Dancer
May ilang beses kong nakasama noon ang aktres na si Ciara Sotto sa mga events. (pero close ba kami?!) Madalas ako host, siya naman ang performer bilang pole dancer. (baka ayaw ni Alvin Aragon nyan!) Aliw na aliw ako sa kanya kasi ‘pag dumarating sya, may dalang sariling pole at mini stage na bitbit ng kanyang mga assistant. Ilalagay ‘yun mismo sa main stage bago ang kanyang production number. (syempre alangan namang itambak lang sa backstage!)
Mapapa-palakpak ka talaga kapag sinumulan na nya ang kanyang routine. (ang galing ng ate mo!) Minsan na nya akong niyayang subukan na magtraining, lalo pa’t marami syang mga kaibigang lalaki na pole dancer. (well biological males!) In fairness muntik kong gawin, dahil alam ko rin naman na maganda itong workout pero ang ending di ko rin nakarir. (baka kung ano gawin ko sa pole!)
Naalala ko ang kwentong ‘yan nang maging guest ko sa youtube channel naming WTFu, ang pole dancer na si Paris. (hindi Hilton at lalong hindi Retiro!)
“Paris ang naisip kong gamiting pangalan bilang performer. Gusto ko kasi isang pangalan ng lugar kung saan may love for the arts,” pagpapaliwanag ni Paris. (arts pala, pwede naman Angono Rizal o Paete Laguna! )
Bagets palang noon si Paris nang makahiligan na nya ang pagsayaw, naging bahagi sya ng ilang grupo na ang sinasayaw ay Techno at Hiphop. Nang maisipan niyang gawing career ang pagiging dancer, binalak nyang sumabak sa lahat ng klase ng sayaw. (pang variety show ganyan!) Pero iba ang naging payo ng kanyang kaibigan. (pakialamera ba si friend?!)
“Sabi ng kaibigan ko, bakit ‘di raw ako mag-focus sa pole dancing. Bihira raw na lalaki ang gumagawa noon sa event. Kakaiba rin daw ang dating ‘pag pole dancer.” Pag-alala ni Paris. (ay gusto kalabanin si ate mo Ciara!)
Sinunod ni Paris ang kaibigan at kinarir ang pole dancing. “Nung una, nood-nood lang tapos subok-subok na. Nagagawa naman pero iba pa rin ‘pag may nagtuturo muna at may tamang training. Kaya ‘yun ginawa ko.” (at kaya raw na tatlong dancer sa isang pole lang ha!)
Mga Corporate Events at Private shows ang raket ngayon ni Paris. Aminado sya na minsan ‘di maiwasan na may mga nahuhumaling sa kanyang manonood ‘pag nasa entablado sya. “Syempre after ng performance may mga lumalapit, nakikipagkilala, may mga offer. Pero professional kasi ako. Minsan may pinagbigyan ako. Mag-shot puno raw ako for 5k! ginawa ko, pero wasak ako!” (at ‘di na nya sinabi ano ang sumunod na eksena ha!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest






















