^

PSN Showbiz

Actor/TV host, bumagsak ang katawan dahil sa demanda

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nasalubong sa isang mall ng isang kaibigan naming taga-showbiz din ang kilalang actor/TV host na dumaan sa matinding pagsubok kamakailan lang.

Nagulat ang kaibigan namin dahil sa sobrang payat na raw nito.

Tuloy pa rin pala ang matinding pinagdaanan niya na may kaugnayan sa dati niyang trabaho.

May demanda na siyang hinaharap at isa ito sa nagpapabigat sa mga iniisip niya.

Kaya na-experience na nito ang matinding depression at anxiety.

Masayahin itong si actor/TV host, masayang kausap at wala kaming ginagawa kundi tawa lang nang tawa kapag nakakausap namin.

Pero ngayon ay iba na. Aminado siyang apektado siya sa hinaharap niyang problema. Kaya bumagsak na ang katawan niya.

Mabait at maayos magtrabaho itong si actor/TV host, kaya sana malagpasan niya itong problemang nagpapabagabag sa isipan niya araw-araw.

May ibang taong ipinagbabale-walang bahala lang ang mental health. Pero hindi maitatangging malaki ang epekto nito sa katawan.

Hangad namin ang kapayapaan sa isip nitong actor/TV host na ito.

Paolo Gumabao, itinodo ang lamon sa Taiwan

Hindi naman bumagsak ang katawan ni Paolo Gumabao, kundi tumaba raw siya nang bonggang-bongga noong nakaraang Pasko.

Sabi ng sexy actor, kapag kasama raw niya ang pamilya niya, minsan ay nakakalimutan daw niyang artista siya kaya napapalakas daw siyang kumain.

Iyun daw ang nangyari sa kanya noong Pasko, dahil nasa bakasyon daw siya kasama ang pamilya, napakain daw siya nang husto.

Hanggang sa napansin niyang lumalaki na ang tiyan niya. Kaya itinodo niya ang balik-alindog nung nagsisimula siyang mag-promote ng pelikula nilang Spring in Prague.

Sabi ni Paolo nang nakatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Martes; “Nung Christmas po kasi saka nung New Year, nagbakasyon po kami ng family ko sa Taiwan.

“Nung pumunta kami dun, talagang bumitaw ako sa diet ko. Kinalimutan ko na artista ako.

“Kasi sa totoo po, lagi ko nga sinasabi sa mga kaibigan ko sa mga sibling ko, kung hindi lang ako artista, feeling ko malaking tao ako talaga. Feeling ko mataba akong tao.

“Nakalimutan ko na pagbalik ko na may work ako. Nag-relax talaga ako, nag-unwind ako, marami talaga akong nakain nitong holiday season.

“Pero ngayon, nakabalik ako January 5. So it’s been 22 days, ahhh I’ve lost 4 kilos already.

“So, tuluy-tuloy lang ako nga­yon sa balik-alindog program ko.

“Siyempre, malay natin, baka meron ulit ako darating na pelikula na ipagta-topless ako.

“Mas maganda na yung handa tayo.”

Medyo pumayat na nga siya nung nagpo-promote ito ng Spring in Prague na magso-showing na sa February 4.

Dito sa Spring in Prague ay hindi siya naghubad. Ito nga raw ang pinaka-wholesome na pelikulang nagawa niya.

Romcom daw ito na isa sa highlights nito ay makikita ang ganda ng Prague at pati na rin ang Puerto Galera na ipinakita nila sa pelikulang ito.

HOST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with