^

PSN Showbiz

May new house ang pamilya, OFW pang-serye ang naging kapalaran sa Hong Kong!

Pilipino Star Ngayon
May new house ang pamilya, OFW pang-serye ang naging kapalaran sa Hong Kong!
Manny Villar at Pamilya Allas
STAR / File

MANILA, Philippines — Pang-teleserye ang kuwento ng bagong tahanan, bagong pag-asa na ibinigay ng Vista Land sa limang magkakapatid na taga-Palawan, matapos ulilahin ng inang Overseas Filipina Worker (OFW) na yumao habang nasa trabaho sa Hong Kong.

Para sa limang magkakapatid na nawalay sa inang OFW at nagtiis nang ilang taong walang katiyakan ang kinabukasan, ang bagong bahay sa Palawan ay magsisilbing bagong buhay na hindi nila naranasan noon.

Isa sa mga pangunahing property developers ng bansa ang Vista Land and Lifescapes, Inc. At donasyon nila ang bahay at lote sa mga anak ng yumaong OFW na si Baby Jane Teodoro Allas, para makapagsimulang muli sa Camella Palawan.

Dumalaw si Villar Group Chairman Manny Villar, dating senador, sa pamilya, para personal na ibigay ang susi sa magkakapatid at kanilang lola, na ikinagulat ng pamilya.

Sobrang nagulat si dating senador Villar sa istorya ng magkakapatid, na hinarap ang hirap ng buhay at pagyao ng kanilang ina.

Tinanggal si Baby Jane sa trabaho nang siya’y magkasakit. Yumao siya nu’ng 2021 dahil sa komplikasyong kaugnay ng late-stage cervical cancer.

Inatasan naman ng Hong Kong court ang employer ni Baby Jane na magbayad ng P2 milyong danyos sa ‘di wastong pagtanggal sa kanya sa trabaho nang magkasakit si Baby Jane.

Hanggang ngayon, wala pa raw natatanggap na danyos ang pamilya ni Baby Jane. Nagtatago umano ang employer ni Baby Jane.

Mula nang mamatay si Baby Jane nu’ng 2021, umaasa ang magkakapatid sa kalinga at suporta ng kanilang tiyahing si Mary Anne at lola.

Sa pagbibigay ng bagong bahay sa mga Allas, umasa si ex-Sen. Manny na mailalagay sa ayos ang magkakapatid.

Para sa Vista Land, ang pagbibigay nila ng bahay at lote ay parte ng misyon nilang magkaroon ng sariling bahay at buhay ang maraming Pilipino.

Itinatag ni ex-Sen. Manny Villar, ang Vista Land ay kilala sa Philippine property sector sa kanilang residential developments, commercial centers at master-planned communities. Ang kanilang housing brands, sa pangunguna ng Camella, ay nakapagpabahay na sa maraming pamilya sa buong Pilipinas.

VISTA LAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with