^

PSN Showbiz

Donny at Kyle, nag-workshop kina Coco at Jake

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Donny at Kyle, nag-workshop kina Coco at Jake
Donny Pangilinan, Jake, Kyle at Coco.
STAR/ File

Kasing tindi ng bakbakan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri ang naging pagsalubong ng mga manonood sa action-drama seryeng Roja  matapos itong masungkit ang unang pwesto sa listahan ng Top TV Shows sa Netflix Philippines nang ipalabas ito noong Nobyembre 21.

Nagpasalamat sina Donny, Kyle, at Maymay Entrata sa suporta ng mga Kapamilya at sa mga papuring natanggap ng serye na tungkol sa isang hostage crisis sa isang luxury resort.

Samantala, todo ensayo pa rin sina Donny at Kyle para sa kanilang action scenes kung saan nakakuha sila ng tips at acting workshop mula kina Coco Martin at Jake Cuenca. Ipinasilip na rin sa unang pagkakataon sina Donny at Kyle na nakasuot ng combat gear para sa isang malaking action scene.

Para kay Donny, isa sa mga mahahalagang natutunan niya mula kina Coco at Jake ay kung paano humawak ng baril na may kasamang astig na nararapat para sa eksena.

Dagdag naman ni Kyle, “I’ve never been a part of this intense type of action. They gave us a little bit of notes and ‘yung mga kailangan namin isipin. Kahit ‘yung mismong mga stance at paano ‘yung levels of galit.”

Nasusubaybayan ang maaksyong bakbakan sa Roja gabi-gabi ng 8:45 p.m. sa Netflix, iWant, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

DONNY

KYLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with