Happy Live Selling!
Nung una akong alukin na mag-online live selling, hindi ako tumanggi. (bilang need ko raket!) Pero sabi ko sa sarili ko, susubukan ko lang. (baka kasi bigla akong umatti-tude!) Aaminin ko, ‘yung mga unang salang ko, napagod ako sa tatlong oras na pagbebenta. Naalala ko nga, after ng isang session, napapasandal ako sa pader at humihinga nang malalim! (nakakawala ng oxygen!)
Sanay naman ako mag-host. (walang arte-arte! minsan lang!) Sanay rin ako magkaroon ng show ng tatlong oras, bilang 15 years naman akong naging radio jock. (araw-araw kong sinasabi ang expression na may ganon…. nang live ha!) Pero sa radyo kasi, nagpapatugtog ako ng mga kanta. (3 hanggang 5 kanta.. straight!) ‘Yun na ‘yung pinaka pahinga sa pagkoda. (pwede ka pa ngang makipaglandian muna!) Sa live selling, walang ganun, babad ka sa camera. (walang kukurap!) May mga support team naman sa background (lalo kung naihihi ka na!) pero syempre ikaw pa rin ang mismong host na magpapaliwanag ng produkto nang paulit-ulit. (bawal makulitan!)
Hindi ko namalayan, naka-isang taon na pala ako sa online live selling. (so di ko rin namamalayan ang pagod ha!) Maraming salamat sa mga brands at production team na nagtitiwala. (kiss ko kayong lahat!) Napalinya tayo sa mga beauty at lifestyle brands. (bilang maalindog daw ako!) Nabigyan din tayo ng karagdagang Online Talk Show na The Futok Show dahil sa selling ko. (sponsored ng brand!) Tuluy-tuloy lang tayo! (gogogo yan sabi ni Rufa Mae Quinto!)
Nagkataon naman na habang ginagawa ko ang mga online live selling ko sa isang sikat na online shopping app, naimbitahan din ako ng isa pang sikat na online shop-ping app na mag-live para sa kanila. (gumagana ang powers ko sa pambubudol! Positive budol ito ha!) Kaya i-go ko rin yan. (bilang mukha akong pera!)
Iba rin talaga ang mundo ng online live selling na kahit naka isang taon nako, may mga bagong bagay pa rin akong natutunan sa sistema at sa mismong industriya. (master ko na yan siguro by tomorrow!)
Naisip ko na rin na maglunsad ng sariling produkto tulad ng ginawa ng ilang celebrities na online live sellers. (inggitera lang ako?!) Mukhang yan naman ang isusunod ko. (para sa ikakaganda nating lahat!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest



















