Kyline, may accent na
Pinakinggan namin ang latest interview ni Nelson Canlas kay Kyline Alcantara kung tama ang obserbasyon ng mga fans na may accent kung magsalita ang aktres ng Beauty Empire.
Tama nga, may accent nga siya kapag nagsalita in English, pero hindi naman sobra ang accent niya, tama lang sa pandinig. Hindi nga namin ma-pinpoint kung American accent ang in-adopt nito, basta may accent at hindi rin Filipino accent na mabilis mahulaan.
Isa pang napansin namin, mahusay sumagot si Kyline and she knows how to choose her words. In fairness to her, hindi yata nakapag-college ang aktres, pero keri niya ang magsalita in straight English.
Anyway, sa interview ni Nelson, nabanggit niya si Barbie Forteza na naging close sa kanya nang magkasama sila sa Beauty Empire.
Pero sa isang interview, binanggit ni Barbie na hindi siya masyadong nasaktan sa breakup nila ni Jak Roberto. Tila mabilis niyang tinanggap ang paghihiwalay nila at mabilis din siyang naka-move on.
Luis, buntot ni Ate Vi sa opisina
Hindi man nanalong Batangas Vice Governor si Luis Manzano, nakapasok pa rin siya sa office ng governor at nakaupo pa sa chair ng governor. Nangyari ito dahil mom niya ang governor ng Batangas na si Vilma Santos.
Sa photos na pinost ni Luis, nasa office siya ng mom niya at siya pa ang nakaupo sa chair ng governor at naka-thumbs up ang dalawang kamay... Sabi nito sa caption, “With my Gov! @rosavilmasantosrecto Vi-Lucky.”
Napa-comment si Jessy Mendiola ng “Lov you both” na sinagot ni Luis ng “love you.”
Sa isa pang photo, kasama ni Luis ang mga taga-Kapitolyo at binisita rin nila ni Vilma si Taal Mayor Atty. Nene Bainto. Dahil naka-Barong Tagalog si Luis, comment ng mga netizens, bagay talaga sa kanya ang maging Vice Governor.
Malay natin at muli siyang kumandidato sa susunod na eleksyon and by that time, mas ready na siguro siya sa pagpasok sa pulitika.
- Latest




















