^

PSN Showbiz

Maris, nagmukhang tunay na atleta

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maris, nagmukhang tunay na atleta
Maris Racal

Ang bongga naman talaga ni Maris Racal na mula sa 27th Taipei Film Festival, ay binitbit naman ang Pinoy pride sa advance screening ang pelikula niyang Sunshine.

Ang ganda ng outfit niya sa Taipei Filmfest kung saan bonggang black and white Filipiniana ang suot niya na mala-Audrey Hepburn ang peg niya.

Gawa raw ang modern Filipiniana na iyon ng designer na si AJ Javier at stylist niyang si Adrianne Concepcion na kombinasyon ng old Hollywood at Filipino heritage.

Pero ang isa pang bongga ay ang outfit din niya na modern Filipiniana rin na may pagka-sporty sa advance screening nga nito.

Ang ganda lang ng pagpupugay niya sa bansa natin dahil lutang ang kulay ng flag natin at may simbolo rin ng flag sa dibdib ang suot niyang Filipiniana top and mini skirt, na parang pang-cheerleader.

Napuri nga ang suot niya dahil ang ganda at pwedeng-pwede raw iyon pang-national outfit ng mga atleta natin.

Anyway, naiyak naman si Maris sa suporta sa kanila ng director ng pelikula niya na si Antoinette Jadaone.

Winner talaga si Maris pagkatapos ng mga pinagdaanan niyang intriga.

Bongga. 

‘Himala’

Tuwing nagigising ako araw-araw, talagang parang himala na sa akin. Kasi nga usually ‘pag natulog ako I feel so weak na hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng tulog ko.

I am very thankful pero admitted ko na medyo pagod na ako. I have so many things to be thankful for, parang para sa akin tama na ang journey ko sa buhay.

Been there, done that, I feel complete and grateful to my God.

So if I leave now, no regrets. Life was good to me, people are nice, things worked mostly in my favors, what more can I ask for?

‘Kaloka.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with