^

PSN Showbiz

Staff at production ng isang show, humamig ng major talak

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Umani pala ng wagas na talak ang staff at production ng isang showbiz mula sa nagsisilbing leader nila days bago sumalang ang special episode nito sa dalawang channels!

Eh dahil sanay na ang lahat sa talak to the max ng leader, pasok sa isang tenga at labas naman sa isa ang ginawa ng lahat! After all, trabaho lang ang lahat at walang personalan!

Mabigat kasi ang responsibilidad na nakaarang sa balikita ni lider. Kapag pumalpak ang lahat ng plano, mas lamang ang sisi sa kanya at hindi sa mga kasama.

Sa totoo lang, pati nga raw lahat ng lumalabas sa show na guests, kailangang dumaan sa lider nang sa gayon eh ‘pag lumabas na sa show, siguradong pag-uusapan!

Normal na ang galit-bati, bati-galit na relasyon ng leader sa production staff and crew!

Alden, present sa blessing ng mansion nila Kathryn

Present na naman si Alden Richards sa blessing ng bagong bahay ni Kathryn Bernardo nitong nakaraang mga araw!

Sunud-sunod ang presence ni Alden sa special events sa buhay ni Kathryn. Eh rason naman ng aktor, constant friends na raw sila ni Kath mula nang gawin nila ang Hello, Love, Goodbye.

Eh wala pa namang kasiguraduhan kung magkakaroon ng part 2 ang movie pero may balitang August ang shooting, huh!

What if si Alden ang maging next boyfriend ni Kathryn after Daniel Padilla? Agree o disagree?

vuukle comment

ALDEN

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with