^

PSN Showbiz

Carla, handa nang makaharap ulit si Tom

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Carla, handa nang makaharap ulit si Tom
Carla Abellana
STAR/ File

Natanong ulit ang Kapuso actress na si Carla Abellana kung handa na ba siya kung sakaling magkasalubong sila ng dating mister na si Tom Rodriguez at sinabing handa na siya.

Tinanong din ang aktres sa kanyang reaksyon sa kasalukuyang estado ng love life ng kanyang ex-husband pero sinabi nitong hindi na niya kailangan pang magkomento o mag-react man lang tungkol dito dahil hindi niya na ito concern.
Aware naman daw siya na nakabalik na ito ng bansa at aktibo na ulit sa kanyang showbiz career.

Pinaghandaan niya na raw kung sakaling magkrus ang landas nila saan man sila magkita. “Kung dahil sa trabaho, prepared naman ako. Nasabi ko naman na ‘yun na kung magkrus ang landas namin, whether sa studio or what, guesting kung ano man ‘yan, prepared naman ako for that. Pero you know, I’ll just be myself. I’ll let him be,” sey nito.

Maalalang lumipad papuntang Amerika ang aktor matapos nilang maghiwalay ng dating misis noong 2022 at kakabalik lamang nito ng bansa noon January.

Sinabi na nga ni Tom sa mga interview na ok na siya at naka-move on na sa nangyari sa kanila ng ex-misis kung saan meron na raw siyang bagong dine-date.

Palabas sa Mahal na Araw, maraming pagpipilian

Bongga, mga kwento na puno ng pag-asa at pagmamahal ang ibibida ng iWantTFC, the home of Filipino stories, bilang paggunita sa Semana Santa—hatid ang espesyal na programming tampok ang ilan pang mga programa at pelikula na swak sa buong pamilya at kapupulutan pa ng aral.

Handog nila sa mga nananampalataya ang livestreaming ng Washing of the Feet (March 28, 5 PM), Seven Last Words (March 29, 12nn), Veneration of the Cross (March 29, 3 p.m.), at ng Easter Vigil Mass (March 30, 10 p.m.) pati Kapamilya Daily Mass (regular schedule mula Lunes hanggang Miyekules at Linggo, 5 a.m.; 5 p.m. naman sa Maundy Thursday) na pangungunahan ni mass presider Fr. Tito Caluag.

Bibida rin ngayong Semana Santa ang mga teleserye ng kinagiliwang child stars noon tulad nina Zaijian Jaranilla, Raikko Mateo, Jana Agoncillo, at Marco Masa na kapupulutan ng aral at inspirasyon.

Libreng mapapanood ang mga pakikipagsapalaran nina Santino at Bro sa May Bukas Pa, ang pagiging matapat sa kapwa ni Honesto, pati ang happy family ng little island girl na napadpad sa siyudad na si Ningning, at ang mala-anghel na adventures ni Nathaniel.

Maliban pa sa mga seryeng ito, swak din sa Holy Week family viewing bonding ang kwento ng pamilyang Mabunga sa award-winning teleserye na Pamilya Ko nina JM de Guzman, Joey Marquez, at Sylvia Sanchez.

Bongga ang Mahal na Araw ngayon. Ang dami mo na ring mapagpipilian na panoorin.

Noon parang wala kang puwedeng gawin kundi magdasal, pero ngayon ang daming pagpipilian sa panonood.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with