^

PSN Showbiz

Donita, buo na ulit!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Donita, buo na ulit!
Boy Abunda at Donita Rose.
STAR/ File

Halos hindi makapaniwala si Donita Rose na mararanasang ikasal muli.

Matatandaang nagpakasal ang aktres at ang gospel singer na si Felson Palad sa Amerika mahigit limang buwan na ang nakalilipas. “Para akong nananaginip. Hindi ako makapaniwala na may asawa na ako ulit. Ang dami kong dinaanan bago ako nakarating dito. Matinding depression ang pinagdaanan ko. But now, wala akong regrets sa pinagdaanan kong ‘yan.

“Parang ngayon ako naging buo. Ngayon alam ko who I am. My identity is not in another person. Kasi there was a time, noong hiniwalayan ako ng asawa ko na parang, ‘Who am I now?’ Iniwan ako, jina-judge ako ng mga tao na parang, ‘Tumaba kasi, hindi na siya maganda.’ There were a lot of internal struggles. Pero bumalik ako sa aking first love, ang Panginoong Hesus. I was reminded of my identity in Christ,” makahulugang paglalahad sa amin ni Donita sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon sa aktres ay talagang naging partikular siya sa mga dasal upang makatagpo ng bagong lalaking mamahalin.

Samantala, mapapanood sa Amazon Prime ang isang independent film na ginawa ni Donita.

Ayon sa aktres ay naranasan din ng kanyang mister na maging isang artista dahil sa bagong proyekto. “It’s called Malice In Manila. It’s going to be seen on Amazon Prime this March. Felson played my ex-boyfriend. So siya ang kontrabida ng film. Kasama ko si Felson (sa shooting) kasi siya ‘yung nag-drive. Then when the director found out that he’s also from Cavite, ‘Bakit hindi na lang ikaw?’ I couldn’t stop laughing for like a week. Kasi hindi ako makapaniwala na ang kalaban ko sa pelikula is my husband in real life,” pagbabahagi ng aktres.

Reunion nina Alden at Kathryn, coming soon na

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak na rin si Alden Richards sa pagiging isang direktor at prodyuser.

Noong Nobyembre ay nag-post ang aktor sa Instagram ng larawan at bidyo habang nagtatrabaho bilang direktor para sa isang bagong proyekto. “Ngayon we are down to post-production. I’ve seen the first edit medyo mahaba pa and we need to trim down a bit more. Actually, galing akong San Pablo (Laguna), nag-shoot ako ng additional scenes, mga wider shots ng film. Just to make it good and I am very grateful with GMA. Of course, this is a partnership of Viva Films and Myriad Entertainment,” pagdedetalye ni Alden.

Pinaghahandaan na rin umano ng aktor ang isang bagong pelikula ni Kathryn Bernardo. Matatandaaang pumatok nang husto sa takilya ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan nina Kathryn at Alden noong 2019. “Coming soon, let’s go,” maikling pahayag ng binata.  (Reports from JCC)

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with