^

PSN Showbiz

John Lloyd, nag-beg off sa reunion nila ni Bea

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, nag-beg off sa reunion nila ni Bea
John Lloyd Cruz.
STAR/ File

‘Di ba’t nababalita na may bagong show dapat na pagsasamahan sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo?

Ano na’ng nangyari roon? Bakit sa isang showbiz gathering, nasabi raw ni Direk Bobot Mortiz na nag-beg off daw muna si JLC sa project?

Bakit kaya?

Pero ‘di ba parang tama naman ang naging wait and see attitude muna niya sa pagbabalik tambalan nila ni Bea?

Bea, ‘di pa napapatunayan ang premium sa Kapuso

So tuloy na ngayon ang taping ng bagong teleserye ni Bea Alonzo with Carla Abellana na Widows’ War sa GMA 7.

Ang tanong, ito na ba ang teleserye na maglalagay kay Bea bilang isang certified rater na artist ng GMA?

Makakaalagwa na ba ito talaga at aani ng major major ratings na hindi naabot ng mga nauna niyang series na Start-Up at Love Before Sunrise?

Sana naman, kasi ang tanong ng mga tao – nadala ba ni Bea ang kanyang premium at kinang sa Kapuso network?

Sa totoo lang?

ABS-TV5 sanib-pwersa, inalat na naman

Bakit na-abort ang Sky-PLDT  Deal?

Marami tayong kakilala na pa-give up na ng kanilang Sky account at papunta na ng Cignal – at maganda na sana magaganap na merger, pero anyare?

Paano na ang nasa YouTube na ANC shows pala, tuloy ang buhay sa Cable TV?

Tulad ng dapat pagsasanib puwersa na sana ng ABS-CBN at TV5, bakit parang inaalat ang pagbebenta at pagpa-partner ng dalawang organisasyong ito?

Strike 2 na ito bale!

Regine, ginastusan ng fan sa Times Square

Ang galing ng effort ng fan ng Songbird Regine Velasquez para ilagay siya sa billboard sa Times Square sa New York.

Meron din namang nagganito na Pinoy artist para sa album promo, pero hindi sa malaking electronic billboard.

Si Sharon Cuneta kaya? Or Pops Fernandez? Or Lea Salonga? Or Sarah Geronimo, kailan magkakaganito?

Theater scene, siksikan

Sold out na raw ang lahat ng 50 shows ng One More Chance ng PETA ng Ben & Ben Musical this April to June.

Pero kumusta naman ang tickets ng Buruguduystunstugudunstuy, the Parokya Ni Edgar sa Newport World Resorts, parang matumal daw ang galawan ng tickets?

Paano na ‘yan, may kasabay pa na Miss Saigon sa Solaire at may Rent pa? Siksik, liglig talaga ang theater scene din!

Nakakata-quote:

“Marriage is not the end of the search for love. It’s the end of the search for the person to love. The search for ways to love that person has just begun.” – Jessy Mendiola-Manzano

vuukle comment

BEA

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with