^

PSN Showbiz

Charlie, ‘di umepal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Charlie, �di umepal!
Carlo at Charlie
STAR / File

Nakikitang seryoso na ang relasyon nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Isinama ni Carlo ang nobya sa Chinese New Year celebration ng Beautederm ni Ms. Rei Anicoche-Tan sa Beautederm Haus nito sa Angeles City kahit endorser ng Beautederm si Charlie.

Nasa function room lang daw ito at hindi sumama sa pictorial ng iba pang celebrity endorsers.

Nagpaunlak naman si Carlo ng interview sa entertainment press na nandoon.

Natanong siya tungkol sa pagpapa-sexy sa mga pelikulang gagawin niya.

Sabi naman ni Carlo, medyo may limitations na ang pagpapa-sexy niya.

Kahit si Charlie pa raw ang kasama niya, ayaw niya ng masyadong daring.

Pinaka-sexy na para kay Carlo ang ginawa niya sa pelikulang Tuli at Mater Dolorosa nung 2012.

Ang sexy rin ng dating niya sa pelikulang Porno ni direk Adolf Alix pero may ka-double pala siya doon sa eksenang nagsasariling sikap siya.

Pagdating kay Charlie, hindi naman daw niya pakikialaman kung sakaling magpa-sexy ito sa gagawin niyang pelikula. “Oo, ‘pag okay naman sa kanya, siguro naman, nasa tamang edad na siya. Alam na niya ‘yon.

“Personal mo na ‘yun. Ako, nandito ako to support her. Siya rin, ganun din sa akin,” saad ni Carlo.

Nang napag-usapan na ang tungkol sa kanilang relasyon, ipinagkibit-balikat na lamang ng aktor ang mga isyung hiwalayan ng ilang kilalang celebrity couples.

“Hiwalayan? Hindi namin napapag-usapan ‘yun,” bulalas ni Carlo.

Pero hindi pa naman daw nila napapag-usapan ang kasal.

Malamang isa sa ninang si Ms. Rei kung magpaplano na sila ng kasal.

“Wala pa. Hindi ko pa alam ‘yan,” pangiti-ngiting sabi ng multi-awarded actor.

But hopefully soon?

“Sana, oo. Kasi, ilang taon na ako. Ilang taon na si Charlie,” sabi pa ni Carlo.

Akala nga ng namin may engagement ring nang suot si Charlie, pero hindi raw ‘yun engagement. “Lagi naman ‘yung… tingnan nyo, ngayon. May suot din siya. Hindi galing sa akin ‘yon,” napangiti niyang pahayag.

Katatapos lang ni Carlo ng pelikulang Whispers in The Wind ng Mavx Productions, kasama niya rito si Barbie Imperial.

Kinunan nila ‘yun sa Iwate, Japan na kung saan ginamit nila roon ang wind phone na unang ginawa roon ng isang farmer sa Iwate na nasalanta nang husto ng lindol at tsunami nung 2011.

Daddy ni Heart, ‘di umabot sa renewal of vows

Ngayong araw ang renewal of vows nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Gaganapin ito sa Balesin island na kung saan ay doon din sila nagpakasal siyam na taon nang nakaraan.

Halos kumpleto na ang buong pamilya nila ngayon.

Wala lang daw ang Daddy ni Heart dahil na sa Amerika ito. Pero nung Martes pa lang ay nasa Balesin na sila para salubungin ang kaarawan ni Heart kahapon.

Ayon sa napagtanungan naming nandun sa Balesin, na-enjoy raw nilang lahat ang birthday party ni Heart. Pero mas excited sila siyempre sa wedding anniversary nila ngayong araw.

Samantala, kahapon din pala ang 1st wedding anniversary nina Maja Salvador at Rambo Nuñez na bale 5th anniversary na rin ng kanilang relasyon.

Pagkatapos ng Christian wedding nila sa Bali, Indonesia nila inaming nagkaroon muna sila ng civil wedding sa Manila nung Feb. 14.

Ipinost ni Maja sa kanyang Instagram account na ipinagdiwang nila ang kanilang limang taong togetherness at 1st year bilang mag-asawa.

vuukle comment

CARLO AQUINO

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with