^

PSN Showbiz

Naturingang jetsetter...Arci Muñoz, nabiktikma ng modus sa business class!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Naturingang jetsetter...Arci Muñoz, nabiktikma ng modus sa business class!
Arci Muñoz

Nakakagulat naman ‘yung reklamo ni Arci Muñoz na nanakawan siya ng credit card habang nasa eroplano, pauwi ng Pilipinas galing Japan.

Kumalat kahapon ang kanyang Tiktok video kung saan nga ikinuweno niya ang “Horror story in the sky. @Korean Air hope to hear from you.”

Ang chika ni Arci sa video, nakasakay siya Korean Air, business class. May connecting flight daw siya sa Incheon International airport.

At habang nagpapahinga raw siya sa kanyang cubicle (business class), naalimpungatan siya nung malapit na silang mag-land na may lalaking nakatayo sa cubicle niya na parang may kinukuhang magazine.

Hindi niya raw kilala ang nasabing lalaki kaya ang naisip niya baka naman wala itong magazine sa cubicle nito.

Hanggang may isang babae na pakiramdam niya ay sent by God na tinanong siya (Arci) kung kilala ang nasabing lalaki.

Nang sabihin niya raw na “no” ay pinuntahan ng babae ang lalaking lumapit sa kanya. “She confronted the man, sabi niya, ‘why did you touch her bag?’ Ako naman, sabi ko, ‘bakit nawawala ‘yung bag ko?’ And then, I saw my bag on the floor near the aisle, eh sa window seat ako nakaupo.

“Talagang inano niya (babae) ‘yung guy... that’s not ok. Why did you touch her bag?

“So we call the flight attendent and so the woman na nakakita she said na nakita niyang ginalaw ‘yung bag. And then the guy dini-deny,” kuwento ni Arci.

“And this guy, nakabihis, nakaporma, magarbo ang mga luxury item, so I was thinking, ano toh, modus talaga nila? Sumasakay sila sa business class?” dagdag na kuwento pa ng sexy actress.

Hanggang nakauwi na siya ng bansa at wala naman siyang napansing nawawala sa kanyang bag.

Until after two days may mga notification daw siyang natatanggap na may gumagamit ng kanyang credit card sa Vietnam at Indonesia.

 “So guys, I’m doing this video to warn you na there is a dangerous world out there and you can’t be really safe so you have to be really alert, you have to be careful of your things, mindful of your things,” bilin ni Arci sa kanyang followers sabay pasasalamat sa kanyang bangko, BDO, na naging mabilis na-i block ang card niya.

Inulit niya ang babala sa video na “the world is not a safe place.”

Pero ang nakakagulat naman kay Arci, jetsetter siya, ba’t nabiktima naman siya ng mga ganyan?

Imagine natupad nga niya ang pangarap na bisitahin ang anim na Disneyland park sa buong mundo. Napuntahan niya ang lahat ng Disneyland locations - Florida, California, Paris, Tokyo, Hong Kong and Shanghai noong 2019 pa.

At kung follower ka ng kanyang social media accounts, lagi siyang nasa abroad. Recently, nag-post siyang nasa Egypt.

Hindi naman kaya naguyo rin siya kasi naka-luxury at nasa business class din ang nasabing lalaki at nahiya siyang magtanong?

‘Di ba pag ‘di mo kilala, ang reaction mo lalo na kung nasa cubicle mo, sisitahin mo? Or magsasalita ka ng “excuse me?”

At pag jetsetter ka alam mong mag-react sa ganung sitwasyon. At ang ang bag mo alam mo kung saan ilalagay kahit business class pa ‘yan.

Anyway, wala siyang binanggit na nationality ng nasabing lalaki.

vuukle comment

ACTRESS

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with