^

PSN Showbiz

Charlie, kay Carlo lang naramdaman ang pagiging jowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Charlie, kay Carlo lang naramdaman ang pagiging jowa

MANILA, Philippines — Masaya at maayos ang takbo ng relasyon nina Charlie Dizon at Carlo Aquino. Hindi pa rin nakaligtas sa ilang online bashers ang magkasintahan. Hindi na lamang umano pinapatulan ni Charlie ang mga naninira sa kanila ni Carlo sa social media. “Those are the things I can’t control. I only control what I can control and that’s myself. So gano’n na lang. At the end of the day, masaya kami. So parang ba’t iisipin ko pa ‘yung iba. May work ako, I’m so blessed. Mas nagfo-focus talaga ako sa, ‘Wow! Ang blessed ko,’” makahulugang pahayag ni Charlie.

Ngayon ay talagang bukas na sa publiko ang tungkol sa relasyon ng dalawa.

Ayon kay Charlie ay sa aktor lamang niya naramdaman kung gaano kasaya ang pagkakaroon ng kasintahan. “Binibigyan niya ako ng structure sa buhay, sobra. Not a lot alam ‘yon about kay Carlo. Kung alam lang nila kung paano si Carlo talaga. Super, super happy. For me si Carlo ang biggest surprise talaga sa akin. Kasi no’ng una iwas na iwas ako. Before parang hindi ko talaga ini-expect ang timing niya and all. Pero parang first time ko na-feel na, ‘Ah! Bakit open ako ngayon?’ Parang siya lang talaga rin ‘yung nakagawa no’n,” paliwanag ng dalaga.

Para kay Charlie ay talagang ibang-iba ang kanilang relasyon ni Carlo kumpara sa kanyang naranasan noon. “Nagkaroon din ako ng relationship before tapos hindi ganito. As in totally different, ibang-iba. Parang ngayon ko lang na-experience na ganito pala ‘yung may jowa talaga,” dagdag pa ng aktres.

Robi, naging actor dahil sa kondisyon ng fiancee

Kamakailan ay naibahagi ni Robi Domingo sa publiko ang tungkol sa kondisyon ng kasintahang si Maiqui Pineda.

Mayroong Dermatomyositis na isang uri ng autoimmune disease ang dalaga.

Ngayon ay patuloy nang bumubuti ang kalagayan ni wMaiqui. “For now, maybe some checkups would be needed. She’s getting better. So that’s the thing, the more that she’s getting better, I get hopeful that things are going to get better. Kasi if she thinks that she gets some strength from me, for me it’s the same thing. I get strength from her. So it’s a two-way thing too. So, from the looks of it, it’s going to be good,” paglalahad ni Robi.

Inamin ng binata na mayroong mga pagkakataong nahihirapan sa trabaho partikular na sa harap ng kamera dahil sa pagsubok na hinaharap nilang magkasintahan. “For a time I became an actor. Even if my job demands me to host, I had to put on a mask to conceal everything. Kasi mabigat siya, mahirap siya eh. And now, just looking back, those were moments na na-test ‘yung faith ko. Pero ang maganda, kumapit pa rin ako sa kanya. I guess I’m just lucky,” pagtatatapat niya.

Ngayong nalalapit na ang pag-iisang-dibdib nina Robi at Maiqui ay wala nang ibang mahihiling pa ang TV host kundi mapabuti ang kondisyon ng dalaga. “Sa totoo lang parang ang hirap humingi na kasi lahat na ng blessing binigay. Especially what I wanted to happen, but if there was still something I would wish for, it’s not for me. It’s for my soon to be wife. So I hope mawala na ‘yung sakit so she can enjoy a life na she truly deserves,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

CARLO AQUINO

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with