^

PSN Showbiz

Markus, naranasan ang true love kay Janella

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Markus, naranasan ang true love kay Janella
Markus Paterson at Janella Salvador

Magtatatlong taong gulang na ngayon ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude. Kahit nagkahiwalay na ay nanatili namang magkaibigan ang dating magkasintahan. Ayon kay Markus ay talagang nagagampanan ni Janella ang pagiging isang magulang sa kanilang supling. “I see the way she cares for Jude. I see the way she sacrifices her downtime from work just to spend time with him kasi ang bibo na niya ngayon. Hands-on talaga siya. I couldn’t ask for a better mother of my child. She’s an amazing co-parent. She never leaves me hanging talaga. Kapag gusto ko si Jude, magre-reply naman siya. Kapag tumawag ako, gusto ko makita si Jude, sasagot siya. I am super grateful for her existence,” nakangiting pahayag ni Markus.

May ilang mga nagtatanong sa aktor kung posible pa ba silang magkabalikan ni Janella. Sa ngayon ay mahirap umano para kay Markus na magsalita nang tapos. “Mahirap sabihin kasi hindi naman kami nagkikita. Hindi naman kami nag-uusap araw-araw tungkol sa sarili namin, puro tungkol kay Jude. Araw-araw kami nag-uusap pero tungkol kay Jude. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon. Everything is going smoothly. Sobrang okay ng co-parenting setup namin. Hindi pumapasok sa isip ko na, ‘Do I want to get back with her?’ It’s just not a priority right now, for either of us. Mas focused kami kay Jude ngayon,” giit niya.

Para kay Markus ay naranasan niya kay Janella kung ano tunay na kahulugan ng pagmamahal. Marami nang hamon ang nalampasan ng dating magkasintahan kahit sa kanilang relasyon bilang magkasintahan noon. “I will always appreciate that because I’ve only had short relationships, puro honeymoon stage. Hindi nata-tackle ‘yung serious life, relationship problems, serious responsibilities. I’m glad that it happened with Jea (palayaw ni Janella) because we already had that connection, the deep foundation of love and trust for each other. So no’ng nalaman namin na we were expecting Jude, it wasn’t scary na. Kaya natin ito, ang dami na nating napagdaanan,” makahulugang pahayag ng aktor.

JC, baon ang mga natutunan kay direk Joel

Kabilang si JC de Vera sa pelikulang Apo Hapon sa direksyon ni Joel Lamangan.

Masayang-masaya ang aktor dahil muling makakatrabaho ang beteranong direktor. “Nakatrabaho ko si Direk on my first movie, ‘yung Mano Po (Ako Legal Wife) and that was 2004. Tapos the next project I got to work with direk Joel ‘yung Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Tapos nagpunta kami sa TV5, ‘yung Valiente, tapos itong movie na ‘yung next. So far so good naman. I don’t have any bad memories with Direk. He’s a great teacher and disciplinarian. Itinuro niya sa akin talaga how to focus on your job and nothing else. Siguro ‘yon din talaga ‘yung nabaon ko hanggang ngayon. ‘Yung level of focus na meron ako ngayon is because of Direk Joel,” pagdedetalye ni JC.

Para sa aktor ay hindi kinakailangang makaramdam ng takot ang sino mang artista sa batikang direktor. Kailangan lamang na maging handa upang magawa nang maayos ang trabaho ayon kay JC. “Sa tingin ko matatakot ka lang kasi kung hindi ka prepared. Matatakot ka kay direk Joel kapag hindi mo inaral ‘yung script, kapag hindi mo inaral ‘yung karakter mo and kung sa tingin mo naglalaro ka lang sa set. Pero kung sa tingin mo na you are very well prepared and then you know your character very well, bakit ka matatakot sa kanya?’” paliwanag ng aktor. — Reports from JCC

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

MARKUS PATERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with