^

PSN Showbiz

Mavy, may isyu ‘pag naka-mini dress si Kyline!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mavy, may isyu �pag naka-mini dress si Kyline!
Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

Maintriga ang episode ng Sarap Di Ba ni Carmina Villaroel nung nakaraang Sabado, April 22 kung saan isinalang sa bagong segment nilang Trip To The Hotseat sina Mavy Legaspi, Paul Salas, Mikee Quintos, at Ken Chan.

Ang hindi nakaupo sa upuan na iniikutan nila ay isinalang sa hotseat para sagutin ang isang mainit na tanong.

Nabuking na muntik na palang nagkasuntukan sina Ken at Jake Vargas dahil sa isang babae. Ito ang tinanong ni Carmina kay Ken nang isinalang siya sa hotseat.

Inamin ng bida ng pelikulang Papa Mascot na muntikan nga raw silang nagkasapakan ni Jake dahil sa pinormahan pala ni Ken ang ex-girlfriend ni Jake.

Hindi niya binanggit kung sino itong girl. “Nagkaayos na kami ni Jake nang nagkaroon kami ng teleserye (Ang Dalawang Ikaw). Dun lang kami nagkausap nang maayos. Pero yung incident, that was 2014? Matagal na.

“Hindi kami nagpansinan ni Jake for…ang tagal! 7 years?” pahayag ni Ken.

Mas nanaig pa rin daw ang pagiging magkapatid nila sa kanilang tatay-tatayan na si Kuya Germs.

“Nag-usap kami ni Jake. Nag-sorry kami sa isa’t-isa. Sabi namin mas mahalaga yung pagiging magkapatid naming dalawa,” dagdag niyang pahayag.

Nang si Mavy na ang nakaupo sa hotseat, tinanong siya ng kanyang Mommy kung totoong mas madalas na nagseselos si Kyline Alcantara. Tamang-tama nandun naman sa studio si Kyline kaya tinawag siya ni Carmina.

Inamin naman ni Kyline na siya ang mas selosa.

“Kasi, ang guwapo naman kasi ng anak nyo. Mabait din and gentleman. May ibang tao lang po talaga na nati-take siya in a different way,” paliwanag ni Kyline.

Nilinaw naman ni Mavy ang napapabalitang pinagbabawalan niya si Kyline na magsuot ng mga revealing na damit, na iyun daw ang pinag-aawayan nila minsan.

Ani Mavy; “Ako lang number one ko, pag hindi nagsa-cycling, yun lang naman.

“She’s free whatever she wants, ganun ako. Yung hindi nagsa-cycling pag naka-mini skirt or mini dress, dun ako. Kasi kayong dalawa ni Cass, nagsa-cycling. ‘Yun lang. Everything else I’m fine.”

Para kay Mavy, proteksyon lang daw kay Kyline dahil nakikita raw niya kina Carmina at Cassy na kapag maiksi ang suot na damit, dapat naka-cycling shorts para hindi masilipan.

Kuwela naman ang tanong ni Carmina kay Paul Salas nang siya na ang nakasalang sa hotseat.

Ang hotseat question ni Carmina; “Ang sabi nila, yung mga lalaki raw ay hindi mahihilig sa manika. Pero ikaw Paul, mahilig ka ba dati sa Barbie doll?”

Sagot ni Paul; “Masasabi kong for a time nagkahilig ako. Pero may nakita akong mas maganda sa Barbie doll.”

Kinilig naman si Mikee sa sagot ng Kapuso hunk.

Parang type talbugan ng Sarap Di Ba ang Fast Talk ni Kuya Boy Abunda.

Gladys handang maglabas ng pera sa reunion ng kanyang mga inapi

Natuwa si Gladys Reyes sa mga magagandang feedback ng fans sa gusto sana niyang pelikulang gagawin.

Akala kasi ng iba, meron na talagang movie project na pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Angelu de Leon, at Claudine Barretto.

Sabi ni Gladys nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Lunes ay ito raw ang sagot niya nang tinanong siya kung ano ang dream project niya.  “Nag-umpisa yan nung premiere ng Apag, may nagtanong sa akin kung ano yung dream project ko.

“Sabi ko, gusto talaga sana mapagsama-sama yung lahat ng inapi ko. Puwera lang si Jolina kasi hindi ko pa naman naapi siya sa mga teleserye, pero siyempre 90s won’t be complete without Jolina rin. Siyempre, Jolina, Angelu, Claudine, and Judyann.”

Nabanggit na raw niya ito sa mga kaibigan niya at interesado naman daw sila.

“Nabanggit ko na rin kay Juday, and I think sa isang Viber message ko sa kanya or even before.

“Nung nagkasama kami nung huli ni Claudine, yes, parang nabanggit ko rin sa kanya yan, sa isang guesting namin sa isang series.

“Siyempre, kailangan buuin muna yung material, di ba? Kailangan konkreto yung istorya bago talaga matuloy.

“Tingnan natin kung possible project. Pero who knows? Uso naman ngayon ang collab di ba? Nag-collab na nga yung GMA and ABS di ba?”

Kung magkakaroon daw ng posibilidad na matuloy iyun, willing daw si Gladys na makipag-co produce sa malaking project na ito.

vuukle comment

MAVY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with