^

PSN Showbiz

Empoy, gusto nang mag-asawa!

SHOWBIS NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Empoy, gusto nang mag-asawa!
Empoy
STAR/ File

Sa edad na 40 taong gulang ay walang kasintahan ngayon si Empoy Marquez. Nangangarap na umano ang aktor na makapag-asawa at bumuo ng sariling pamilya. “’Yon po talaga ang dini-desire ko kay God. It’s time na dahil lahat ng mga kapatid ko may family na. Ako naman, for this age, pwede na mag-settle down. Pero do’n pa rin ako bumase sa kung sino ‘yang ipo-provide ng nasa Itaas, sa right timing,” makahulugang pahayag ni Empoy.

Ang komedyante ang panganay sa kanilang pitong magkakapatid. Si Empoy na raw ang tumayong breadwinner sa pamilya mula nang magkahiwalay ang mga magulang. “Mahirap na masaya na masarap. Mahirap kasi ako ‘yung tumayong breadwinner sa amin,” giit niya.

Dalawang dekada nang aktibo sa show business si Empoy. Sa loob ng 20 taon ay mayroon na ring naipundar ang aktor para sa sarili katulad ng kanyang condominium unit. “Siyempre hindi ako makapaniwala pa rin no’ng mga nakaraang taon, buwan. Pero no’ng nagnilay-nilay ako sa sarili ko, muni-muni. Sabi ko ito pala ‘yung pinaghirapan ko. ‘Pag naiisip ko, kailangan ko siyang alagaan at pahalagahan,” pagtatapos ng komedyante.

Bamboo, payag sa reunion sa Rivermaya

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay posibleng magkaroon ng reunion concert ang bandang Rivermaya na pinangungu­nahan ni Bamboo noon. Dalawampu’t limang taon na ang nakalilipas mula nang iwan ni Bamboo ang mga kabanda upang maging solo artist. “I will never say never. But I cannot imagine how. We can hang out in the house or have dinner, but to play again? You have to imagine how long we’ve been away from each other and what kind of family I’ve built with the guys I’m playing with now. I’m pretty loyal to my band now,” paglalahad ni Bamboo.

Kahit matagal nang hindi nagkakasama-sama ay alam naman daw ng bokalista na mayroon ding kanya-kanyang pinagkakaabalahan ngayon ang mga dating kabanda. “I understand we are trying to make a living. I got to take care of my guys. I know Rivermaya is out there, they are doing their thing as well, as they are playing. They are sharing their music, as well,” dagdag pa niya.

Samantala, pinaghahandaan na ni Bamboo ngayon ang ilang shows na gaganapin sa North America at Canada. Makakasama ni Bamboo si KZ Tandingan sa Vancouver, Canada sa April 14, Seattle, Washington sa April 16, Palm Springs, California sa April 22, Sacramento, California sa April 23 at Las Vegas, Nevada sa April 28. Magkakaroon din ng show si Bamboo sa Chicago, Illinois sa May 5 at Toronto, Canada naman sa May 6. “I’m just excited that we’re going back to North America. I’m sure it’s going to be fun,” pagtatapos ng bokalista.

(Reports from JCC)

vuukle comment

EMPOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with