^

PSN Showbiz

Eat Bulaga, may malaking pagbabago?!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Eat Bulaga, may malaking pagbabago?!
EAT BULAGA HOSTS
STAR/File

MANILA, Philippines — Ang Eat Bulaga ang tinutumbok na programang magkakaroon ng announcement sa susunod na mga araw base sa clues na lumabas gaya ng mga salitang bubulaga, noontime at dabarkads.

Nalaman din namin sa aming source na magkakarooon ng pagbabago sa Bulaga. Kung sa hosts man ‘yon o hindi, hindi niya nasabi.

Hmmmm, isang tao kayang matagal nang involved sa show? Hmmm, executive kaya?

Nagkaroon na ng ganyang tsismis sa Bulaga. Pero hiindi naman natuloy at intact pa rin ang lahat ng staff, hosts at iba pa.

Abangers na lang tayo kung anong announcement ang ilalabas ng Bulaga at kung may katotohanan ang tsismis na ‘to?

Basta, normal pa rin ang nangyayari sa Bulaga kada araw!

Mom, pinilahan

Waging-wagi sa takilya ang opening day ng Viva movie na Martyr or Murderer!

Wala pang lumalabas na box-office gross sa opening day nito last Wednesday pero kahapon, naglabasan na sa social media page ng Viva ang photos ng mga tao sa sinehan sa iba’t ibang sinehan sa probinsiya, huh!

At ang nakalagay na caption ay, “Number 1 movie in the Philippines.”

Nobody can argue with success kaya ngiting tagumpay na naman sila!

Ihanda na ang third installment, Boss Vic del Rosario!

EAT BULAGA

MARTYR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with