^

PSN Showbiz

Kylie, tanggap ang relasyon nina Aljur at Aj

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kylie, tanggap ang relasyon nina Aljur at Aj
Kylie

Mahigpit ang pagbakod sa mga artistang bahagi ng bagong drama fantasy series ng GMA 7 na Mga Lihim ni Urduja.

Lalo na kay Kylie Padilla na inaabangan ng lahat kung ano ang reaksyon niya sa pag-amin ni Aljur Abrenica sa relasyon nila ni AJ Raval na ipinost sa kanyang Instagram account nung Valentine’s Day.

Ilang beses kami pinagbilinang wala sanang personal na isyung itatanong, pero nandun na si Kylie. Parang hindi namin kayang palagpasin ang pagkakataong hindi ito matanong sa kanya.

Sabi ni Kylie na gumaganap bilang pulis na isa sa descendants ni Urduja, sa tingin daw niya ay nakuha niya ang pagiging strong ng legendary warrior princess.

Sabi ni Kylie: “Kasi si Gem ‘yung character, gusto niyang tumulong sa mga tao kaya siya naging pulis, kasi gusto niya talagang maging protector ng mga tao.

“Bilang descendant siya ni Urduja, dun niya magagamit ang kapangyarihan ni Urduja, is to help people.”

Sinundan namin siya ng tanong kung lumabas ba ang pagiging Urduja niya, ang pagiging strong nang nabunyag ang lihim sa ipinost ni Aljur Abrenica kahapon.

Napangiti na lang si Kylie, at safe ang sagot niya tungkol dito.

Aniya: “I’m happy for everybody, and everybody’s happy, and that’s what important.”

Hiningan din namin siya ng reaksyon sa mga bashing na inabot ni AJ. Merong netizens na tinatawag siyang kabit, at kung anu-ano ang mga ibinibintang sa kanya.

Sabi na lang ni Kylie: “I’m happy for everyone.

“But seriously din ba? ‘Pag dumadating ‘yung…some sort of depression. Just to be happy, is a blessing already.

“Talagang, no joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already.”

Kasama rin dito sa Mga Lihim ni Urduja ang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica at wala naman daw silang problema.

Sabi nga ni Vin sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda, okay daw sila ni Kylie.

Minsan nga raw ay magkasama pa ang mga anak nina Kylie at Aljur ang anak nila ni Sophie Albert na naglalaro sa labas.

Ganundin naman kay Kylie. Sa tingin daw niya ay mas magiging close pa raw sila ni Vin sa seryeng ito.

“Actually, feeling ko nga mas masaya kasi dito nga kami mas nagiging close. And talagang sinasabi ko nga kanina, when I’m in set, gusto ko maging family ko pa rin ang mga kasama ko. And to have him here, siyempre mas magiging ka-close ko siya.

“Basta panoorin nyo na lang po. Mas maganda yung magiging twist ng kuwento, kasama si Vin dun,” pahayag ni Kylie.

Kaya abangan na lang natin itong Mga Lihim ni Urduja na magsisimula na sa Feb. 27 pagkatapos ng 24 Oras.

Baka sakali stars, tinablan sa maiinit na eksena!

Nagbi-behave na ngayon ang Vivamax pagkatapos silang pumirma sa MTRCB ng Memorandum of Agreement, dahil sa pagpasok ng Viva Prime.

Kaya kahit sa mga publicity materials nila at pictorials ay na tone-down na rin.

Magandang chance kaya ito sa AQ Prime dahil daring pa rin ang mga pelikulang ipinapalabas nila?

Ang latest na nag-streaming ay ang BL movie na Baka Sakali na pinagbidahan ng talents nilang sina Drei Arias, Leandre Adams, at April Gustilo.

Kung ikumpara sa mga Vivamax movie ngayon, sobrang daring na itong Baka Sakali dahil pa-frontal nudity dito ang dalawang bidang lalaki at nasilipan na naman si Drei.

Keber na kay Drei kung mag-frontal na naman siya uli dahil nakita naman ito sa iba pa niyang pelikula sa AQ Prime.

Pero sa gitna ng promo ng Baka Sakali, may pasabog naman itong si Drei nang inamin niyang fluid siya at nakarelasyon niya ang kapwa lalaki.

Sabi niya sa nakaraang mediacon ng Baka Sakali: “Gender fluid po ako. Wala po sa akin ‘yung mga… nagkaroon na po ako ng ex na lesbian, ng ex na trans, mga ganyan, na wala po sa akin yan.”

Hindi na isyu ito kay Drei dahil confident naman siya sa kanyang kasarian na hindi naman ito nakakaapekto sa kanyang showbiz career.

Nandiyan din ang suporta ng kanyang pamilya.

“Para sa akin naman po, normal lang naman po ako. Parang it’s never a thing. Parang hindi naman siya issue sa family, sa fans.

“Parang normal lang siya sa akin, saka kung paano ako, kung paano ako makitungo sa ibang tao. ‘Yun naman po ang mahalaga, ‘di ba?

“Kaya kung saan po ako masaya, sinusuportahan nila. And responsable po ako.

“Siguro hindi naman po dapat maapektuhan ‘yung personal life ko dahil nag-aartista ako,” sabi pa ni Drei.

Ang pagiging fluid niya ay hindi rin naman ito nakakaapekto sa mga eksenang ginagawa niya lalo na ang love scenes nila ni Leandre Adams.

“Sabi ko nga po sa inyo, kapag confident kayo sa sexuality, maniwala na kayo sa mga karakter na ibinibigay sa inyo. Kasi, trabaho ‘yan, e…” pakli niya.

Pero natawa na lang si Drei nang ibinuking ni Leandre na sa isang love scene nila, nagpa-cut daw si Drei dahil nadala siya sa eksena at may naramdaman na si Leandre na medyo matigas.

Nagtawanan na lang daw sila kaya nag-break sandali para medyo lumambot at itinuloy na uli ang love scene.

Sabi naman ni Drei, parang hindi lang naman daw siya ang tinablan, pati rin naman si Leandre.

Ibig sabihin, halos makatotohanan na ang love scenes nila, kaya nadala na sila mainit na eksenang ito.

vuukle comment

GMA 7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with