^

PSN Showbiz

True Faith vocalist, itinamang ‘di siya ang tatay ng anak ni Jaclyn

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
True Faith vocalist, itinamang �di siya ang tatay ng anak ni Jaclyn
Medwin Marfil.

Kung minsan mahirap iyong nagdudunung-dunungan na akala mo lahat alam nila kung makapag-comment sa social media.

Hindi naman siya nagalit pero mabilis na ikinorrect ni Medwin Marfil ang comment ng isang Marites na nagsabing siya ang tatay ng anak ni Jaclyn Jose. Iyon ay matapos na may lumabas na post si Jaclyn na nagsasabing “hindi maayos” ang tatay ng kanyang anak na si Gwen Garimond Ilagan Guck, na nakababatang kapatid ni Andi Eigenmann.

Hindi naman kasi masyadong napag-uusapan ang personal na buhay ni Jaclyn, kaya hindi alam ng mga Marites na nakipag-live in siya kay Kenneth Ilagan, na dating gitarista ng The Dawn, Rivermaya at True Faith din at iba pang mga banda. Anim na taon din yata silang nagsama bago nagkahiwalay at nagkaroon nga ng isang anak. Si Kenneth ang naging partner ni Jaclyn matapos ang relasyon niya kay Mark Gil.

Ngayon ay US based na si Kenneth Ilagan at hindi na natin alam kung musician pa rin ba siya o kung ano na ang ginagawa niya roon, hanggang sa nabuksan na lang nga ang usapang iyan.

Pero ang mga Marites na wala namang alam, nagkalat pa ng mga tsismis na hindi totoo. Ganoon naman talaga sa social media, kahit na anong sasabihin nila at kung walang papalag, kawawa naman ang naitsismis nila.

Iyang social media kasi, walang responsibilidad iyan. Kung ‘yan sa lehitimong media, aba katakut-takot na sermon, kung hindi baka masuspinde pa ang reporter na gagawa niyan.

Eh sa social media, tuloy pa rin sila kahit nagsasabog na ng fake news.

Heart, malabong magkaroon ng depression

May dinaraanan nga bang krisis si Heart Evangelista? Matapos niyang maglabas ng isang video sa kanyang social media account, bumuhos ang suporta at pakikisimpatiya sa kanya ng kanyang fans.

Maraming ispekulasyon kung bakit parang depressed si Heart, at isa na nga riyan ay ang hindi magandang tsismis na kumakalat tungkol sa kanyang married life.

Pero kung iisipin mo, lahat naman ng magagandang bagay nangyayari sa kanyang career. Isipin ninyo iyong halos sold out na painted toys exhibit niya na ang bawat set ay hindi biru-biro ang hala­ga. Wala nga siyang masyadong assignment bilang aktres, pero bilang isang painter, aba eh bumubuhos ang commissioned work niya.

Bilang isang modelo ay nakukuha siya hanggang sa pinakamalalaking fashion shows sa abroad.

Ano man ang sabihin ninyo, suwerte pa rin talaga si Heart, at kung tutuusin walang puwang ang depression sa kanya.

Matronang aktres na mahilig, inayawan ng bagets

Kahit na raw ipinahahanap na talaga ng matronang aktres ang bagets na sinasabing dalawang ulit na niyang naka-date, umiiwas na ang bagets at ayaw nang sumama sa matronang aktres.

Ang kuwento raw ng bagets, masyadong hot ang matrona at kaya niya iniiwasan “baka naman ma-TB na ako sa style niya. Sobra hilig eh,” sabi raw noon.

vuukle comment

TRUE FAITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with