^

PSN Showbiz

Lani, in demand pa rin kahit nabingi ang kanang tenga

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lani, in demand pa rin kahit nabingi ang kanang tenga
Lani
STAR/ File

Ang bongga pa rin talaga ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, huh!

Naku, Ateng Salve, kaliwa’t kanan pa rin ang shows niya sa Amerika.

‘Yung Timeless Seasons nga nila ni Nonoy Zuñiga, may extension pa. Inaayos na nga raw ‘yung Las Vegas, Nevada nila at malamang ay sa June na ‘yon.

Sa May 7 naman, may Two of a Kind show sila ni Tim Pavino sa Portland, Oregon.

Wala pa rin talagang kupas si Lani kahit nga aminado siya na nabingi ang kanang tenga niya dahil sa pagkakasakit niya noon ng bacterial meningitis.

Magaling at maganda pa rin ang boses niya, kaya in demand pa rin siya sa mga manonood.

Bongga!

Anyway, nasa bahay niya sa Las Vegas, Nevada ngayon si Lani at enjoy sila ng mister niyang si Noli Misalucha na kasama ang kanilang pamilya, lalo na ang kanilang mga apo.

Babalik pa rin sa ‘Pinas ang mag-asawa dahil may commitment pa rin sa GMA 7 ang singer para sa new season ng The Clash. Baka November o December na raw ang uwi nila sa atin. Eh, ang dinig naman namin, sa December pa magsisimulang mag-taping ang new season ng The Clash, kaya sakto lang ang uwi ni Lani ng ‘Pinas.

Assunta, ayaw munang magtrabaho

Aliw ang anak nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma, si Baby Fiore, sa lugar nila sa City of San Carlos, Negros Occidental.

Malaki kasi ang bakuran ng ancestral house nila roon, kaya malayu-layo ang nalalakad ng bata.

Kuwento ni Assunta, enjoy si Baby Fiore sa paglalakad-lakad.

Hanggang after na ng May 9 elections si Assunta at ang kanyang pamilya sa Negros.

Tungkol sa pagbabalik-showbiz, napakaraming mga offer ang tinanggihan na ni Assunta dahil gusto muna niyang tutukan si Baby Fiore.

Actually, ang sabi ni Assunta sa akin, ‘yung mga simpleng taping ay puwede siya, pero hindi pa lang siya handa sa mga lock-in.

So, baka by June ay tumanggap si Assunta ng mga guesting sa mga talk show o ‘yung mga show na hindi niya kailangang malayo nang matagal sa anak.

‘Yun na!

vuukle comment

LANI MISALUCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with