^

PSN Showbiz

Nanette, hindi impulsive shopper

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanette, hindi impulsive shopper
Nanette.

Nagtataka ka pa ba bakit ang dami ngayong mga celebrity na nag-unload ng mga mamahalin nilang bags, shoes at ilan pang kagamitan. Kasi nga napatuna­yan ng pandemic na hindi talaga kailangan ang maraming gamit.

Ilang bags at sapatos ba ang gagamitin mo sa lifetime mo. Ilang damit ba ang isusuot mo?

Kaya hanga kami kay Nanette Medved. Kasi nga noon pa ayaw niyang overflowing ang gamit sa kanyang cabinet. Hindi siya bag person kaya maliit na pouch lang ang dala niya. ‘Yung mga gagamitin lang niyang shoes ang nasa shoe rack niya.

Very practical shopper din si Nanette. Hindi impulsive. Iyon talagang gagamitin niya lang ang binibili niya.

Kahit sa alahas, iyon lang ang gusto niya. ‘Pag sa gamit, hindi mo iisipin na isang artista si Nanette. Kasi nga, parang konti lang ang gamit niya, hindi ganun karami. Dapat siguro ganun ang wisdom pagdating sa pagbili ng gamit. Huwag maging therapy ang shopping. Dahil tingnan mo, ‘pag may dumating na pandemic, wow, balewala ang lahat.

Buti na lang uso na ngayon ang online sel­ling, tingnan mo ang dami nang stars na nagbebenta online at bagsak presyo pa ha, kaya isip-isip ‘pag nag-shopping. Sayang pera ‘pag hindi nagamit ang binili.

Bea, sinusundan ang yapak ni Gloria Romero

Ang sarap ng lunch natin nina PatP at Leo Espinosa, Gorgy at Salve. At sobrang type pala ni Leo si Bea Alonzo dahil gandang-ganda siya rito.

Sabi nga ni Leo Espinosa, ‘yun daw tipo ni Bea ang tatanda na mukhang Gloria Romero ang dating, very classic. Kaya wish ko na sana tulad ni Gloria Romero makilala rin si Bea bilang isang mabait, professional, at lady of substance.

At dahil isang sosyal na tulad ni Leo Espinosa ang fan mo, dapat ding ipakita mo na karapat-dapat ka sa paghanga ng mga ito.

Bea Alonzo is Bea Alonzo, the more na tumaas ka, the more dapat na humble ka at sincere sa tao.

What you see outside, dapat iyon ang laman ng inside.

To Leo Espinosa you got a good choice ng maging idol mo si Bea Alonzo, mabait, maganda at higit sa lahat may karapatang mag-cancel at pumili ng mga tao na invited sa presscon niya.

vuukle comment

NANETTE MEDVED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with