^

PSN Showbiz

Charlie, kinabahan sa ginawa sa Viral...

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Charlie, kinabahan sa ginawa sa Viral...
Charlie at Joshua
STAR/ File

Mainit na pinag-uusapan ng mga manonood ngayon ang teleseryeng Viral Scandal na pinagbibidahan ni Charlie Dizon. Kaabang-abang ang bawat tagpo sa naturang programa.

Aminado naman si Charlie na talagang kinabahan siya sa bagong proyekto dahil sa pagiging kontrobersyal ng kanyang karakter bilang si Rica Sicat. “Noong una pa lang na sinasabi sa akin ‘yung character, kinabahan talaga ako. As in parang inisip ko paano ko ito ipo-portray ano ang ihuhugot ko rito. Kasi ang bigat eh  at saka hindi lang siya mabigat, sobrang complex ng character. Ang dami niyang pinagdaraanang emotion talaga. Feeling ko dito sa project na ito ay lumabas ang lahat ng emotion ko talaga. ‘Yung iba nga hindi ko alam na mayroon pala akong ganoon na paghuhugutan,” nakangiting pahayag ni Charlie.

Ayon sa dalaga ay mayroon ding pagkakapareho ang kanyang bagong karakter na ginagampanan sa personal niyang buhay. “Ang bilis ko rin siyang na-relate sa akin. Ang mahirap lang siguro is hindi kami pareho nang pinagdaanan. So parang hindi naman ganoon kabigat ang mga pinagdaanan ko. Pero masasabi ko na ‘yung mga times na iniisip ko kung ano ang ihuhugot sa ganoong eksena, sa ganoong emosyon, parang doon ko na-realize na mayroon din palang ganoon sa akin. Ganoon din pala ako katapang lumaban if ever, ganoon pala atakihin ang sitwasyon,” paglalahad ng aktres.

Kasama ni Charlie sa bagong serye sina Joshua Garcia, Jake Cuenca, Miko Raval at Dimples Romana.

Bukod sa Kapamilya Channel ay mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z Channel 11, WeTV at iflix.

Osang, naligayahan na makaka-trabaho uli si Mega

Ibang kaligayahan ang naramdaman ni Rosanna Roces nang malamang makakasama na rin sa FPJ’s Ang Probinsyano si Sharon Cuneta. Naging malapit na magkaibigan si Osang at ang Megastar nang nagkasama sa pelikulang Revirginized na ngayong taon lamang din naipalabas. “Happy kami, masayang-masaya kami,” bungad ni Rosanna.

Dapat daw pakaaabangan ng mga masugid na manonood ang pagpasok ng Megastar sa nangungunang teleserye sa bansa ayon sa aktres. Hindi nalalaman ng mga artista na kabilang sa serye ang magiging takbo ng istorya at ang mga linya ng ilang araw bago kunan ang mga eksena rito. “Nag-iiba-iba ‘yung istorya eh. Pero I’m sure exciting kung ano man ang magiging role niya. ‘Pag nakaayos na kami at pinatawag na kami sa set, do’n pa lang ilalagay, ipapasa sa cellphone namin ‘yung dialogue. Do’n pa lang namin nalalaman kung ano ‘yung mangyayari. So clueless kami kung ano ‘yung kukunan kinabukasan o sa sususnod na araw,” kwento ni Osang.

(Reports from JCC)

vuukle comment

CHARLIE

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with