^

PSN Showbiz

LJ at Paolo, nakakapanghinayang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
LJ at Paolo, nakakapanghinayang
Summer, Paolo, LJ at Aki
STAR/ File

Alam mo, Salve, ‘yung broken relationship hindi lang ang babae ang hurting.

Sa mga nakita ko, madalas pa ngang in pain at mas mahirap mag-move on ang lalaki dahil hindi tulad ng babae na open sa kanilang nadarama, mas madalas na itinatago ng mga lalaki ang tunay nilang nararamdaman dahil ayaw nila na malaman in pain sila, ‘yung false machismo kadalasan na para bang ‘pag lalaki dapat stronger.

Dapat mas matapang sa pagtanggap ng nasirang relasyon. At kadalasan, parang walang masabi na they will regret later, tumatahimik na lang sila.

I feel for Paolo Contis and LJ Reyes. Matagal din ang naging relasyon nila, nagkaroon sila ng anak, at ngayon ay hiwalay na sila.

Imposible na hindi sila parehong nasaktan. Imposible na hindi sila apektado. Kahit siguro naging mas matindi ang problema kaya hindi nila nakaya at humantong sa hiwalayan, sana naman walang bitterness na mamagitan.

Nasaktan sila pareho, puwedeng mas sumuko ang isa at hindi nakaya, pero sana ‘yung naging pagmamahal nila sa isa’t isa ang maging lasting memory para na rin sa anak nilang si Summer.

Puwede namang hiwalay kayo, pero nandun pa rin sa mga puso n’yo ang pagmamahal, dahil nga hindi naman siguro magkakaroon ng isang Summer kung wala ang love.

Sa ngayon, masakit pa, dama mo pa rin ang pain, kaya siguro mas ma­buting tahimik muna sila. May mga bagay ka kasing nasasabi na later on, magsisisi ka na sinabi mo ‘pag wala na ang galit sa loob mo.

So sad for Paolo and LJ. It was not meant to be, pero sana makatagpo pa sila pareho ng happiness in their journey. Let Summer be the sunshine in their life. At sana maging friends pa rin sila.

Menudo ni Marian, maraming gustong makatikim

Grabe bigla akong nag-crave sa menudo ni Marian Rivera na balitang balita na sobrang sarap.

Nag-promise si Marian na ito ang ihahanda niya kay Bea Alonzo ‘pag dumalaw sa bahay nila ni Dingdong Dantes.

Naku mauuna pa si Bea na matikman ang menudo ni Marian.

Now na, tawagan si Marian at sabihing sa atin muna ipatikim ang menudo na minana niya sa lola niya bago ipatikim kay Bea noh!

Unfair, dapat dumaan muna sa ating panlasa ang menudo, please.

Naglalaway na ako na matikman iyan, at sure ako na magugustuhan natin dahil ipinagmamalaki ng lola ni Marian ang secret recipe niya.

Hay, wait ko iyan, para mapalakas ang kain ko.

vuukle comment

SALVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with