^

PSN Showbiz

Shaira, hindi pa handang pakasal

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Shaira, hindi pa handang pakasal
EA at Shaira
STAR/ File

Handa na ba ang Kapuso star na si Shaira Diaz sa marriage, na matagal nang karelasyon ni Edgar Allan Guzman? “Ah 26 pa lang po kasi ako ngayon and nag-aaral pa po ako, ang dami ko pa pong pangarap. Let’s say napag-uusapan na po pero not anytime soon kasi ang ganda pa po ng nangyayari sa career ko, marami pa akong tatapusin and alam naman ni Edgar (Allan Guzman) ‘yun na sabi ko na, ‘ganto pag okay na ang lahat sige dyan mag-propose ka na’. Pero siguro mga five years pa. Five or four years ‘yan pwede na siguro, baka ready na ako by that time,” ang sagot nito sa virtual conference pagkatapos niyang mag-renew ng contract sa GMA Artist Center the other day.

Matagal-tagal na rin ang relasyon nila ni Edgar Allan at ngayon nga ay mas open na sila.

Kuwento pa ni Shaira, nagpapasalamat siya sa actor dahil super supportive rin ito sa kanyang career at sa kanyang mga ginagawa maging ang pagiging fanatic niya sa BTS.

“Yan ang isa sa ipinagpapasalamat ko rin at ang daming nagco-comment naiinggit sila kasi ang supportive ng boyfriend ko sa pagiging fan girl ko sa BTS. Gusto niya rin ang BTS. Honestly pinapatutog niya ‘yung BTS pag nasa kotse kami. So natuwa ako kasi na love niya na talaga. Kasi totoo naman ang galing nila,” kuwento pa ni Shaira na finally ay matutuloy na sa lock-in taping ng teleseryeng Lolong na pinagbibidahan nila ni Ruru Madrid.

Two years na diumano itong na-delay pero, finally nga raw ay matutuloy na talaga.

May nararamdaman ba siyang pressure?

“Sobrang masaya ako kasi ang tagal ko pong hinintay to, dami pong naging adjustment, ang daming beses na na-move to the point na akala ko ‘di na tuloy kasi parang ang tagal. Two years na po kasi akong nabakante sa serye. Kaya ngayong tuloy na tuloy na siya, sobrang happy ko syempre and dun sa pressure nandoon ‘yung pressure pero good pressure naman. Syempre kasi first time na action series, malaking production tapos hindi rin biro yung cast namin. Nakaka-excite po,” aniya pa.

vuukle comment

EDGAR ALLAN GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with