^

PSN Showbiz

Aktor na mapera, ‘di mapilit magtrabaho

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ayaw muna raw tumanggap ng regular na trabaho sa telebisyon ang isang sikat na aktor. Leading man material ang aktor kaya laging may nakalaan sa kanyang project ang network na kinabibilangan niya.

Eh ang hinala ng taga-production, may kinalaman sa personal na buhay ng aktor ang rason ng pagtanggi sa projects. Busy pa raw ang aktor.

Hindi naman nila mapilit ang aktor na magtrabaho. May pera raw kasi ito kaya ang personal niyang buhay muna ang gustong atupagin kesa kumayod, huh!

Alden at Jasmine, walang chance magkainlaban

Ipinaliwanag nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith na hindi kailangang maugnay romantically upang maging epektibo sa kanilang tambalan.

Eh sa totoo lang, tanging si Jasmine lang ang naging leading lady ni Alden na kasama niya sa projects – una ay sa movie na Imagine You and Me, then, ang GMA mini-series na I Can See You at pangatlo, itong The World Between Us.

“Siguro lately, nag-evolve ang audience eh that’s what I can see. And slowly na-break naman ang stigma na you don’t really have to be romantically linked together off cam to be effective as actors,” pahayag ni Alden sa virtual mediacon ng Kapuso series.

Ayon naman kay Jasmine, “Agree naman ako kay Alden that pareho kaming­ in love sa characters namin, pareho kaming in love sa story nilang dalawa. That make the chemistry so much easier kasi ramdam mo ‘yung kilig ng character mo.”

Sa July 5 na ang world premiere ng The World Between Us mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

vuukle comment

JUN NARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with