^

PSN Showbiz

Pia, handang i-train si Sanya para sa Miss U

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pia, handang i-train si Sanya para sa Miss U
Pia
STAR/ File

Ang dami talagang natuwa sa group picture ng ladies ng First Yaya na na naka-swimsuit sa location ng  kanilang lock-in taping. Ang daming nag-react sa kaseksihan ni Sanya Lopez na naka-white two piece, at may fans na nag-suggest na bakit hindi raw subukan ni Sanya na sumali sa Miss Universe-Philippines.

May ilang fans na kinarir hanggang sa nakarating pa kay Pia Wurztbach na nagagandahan din pala kay Sanya.

Kaya nasilip ko sa TikTok na post ng isang Sanya Warriors na kaibigan pala ni Pia.

Ipinost niya ang mensahe ni Pia para kay Sanya na ine-encourage nitong sumali sa Miss Universe-Philippines.

Sabi ni Pia para kay Sanya; “Actually, ini-stalk din kita sa IG at super ganda mo. And, whenever you’re ready we’re here waiting for you. Kung gusto mong mag-train, kung gusto mong sumali alam mo na kung sino ang lalapitan mo. Would be happy, happy, happy to help you.”

Maja, gagamitin ang pagiging talent manager sa POPINOY

Sa June 13 na magsisimula ang sinasabi nilang ultimate reality P-Pop search sa TV5.

Mapapanood ito tuwing Linggo ng 8 ng gabi na iho-host nina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.

Dito ay pipili sila ng all-male at all-female group na maaaring kahuhumalingan din ng madla.

Collaboration ito ng Cignal TV sa TNT at Archangel Media na kung saan ang mapipiling P-Pop group ay gagamitin ng naturang TNT sa kanilang campaigns sa buong bansa at sa kanilang online show na ihu-host ni Darren Espanto. Impressive rin ang nakuha nilang headhunters na uupong judges, sina Maja Salvador, Jay R, DJ Loonyo at Kayla Rivera.

Sa kanila nakasalalay ang kapalaran ng mga grupong sasali bilang mentors sa mga ito kaya malaki ang responsibilidad nila sa talent-reality search na ito.

Malaking challenge nga ito sa kanila na sabi naman ni Jay R, malaki ang potential na mapapasikat dahil sa iba’t-ibang platforms na gagamitan nitong kumpetisyon.  “Nothing is guaranteed. Pero maganda sa technology ngayon, maraming avenue ng mga artist na puwedeng umangat sa career nila. Marami. Social media, may mga ibang platforms ‘di ba?  Ngayon, we’re creating another platform for them to be able to become famous and pursue their dreams, and sa tingin ko malaki ang chance nilang sumikat kasi lahat ng ingredients nandito sa PoPinoy from the headhunters, from the hosts to the production, to the concept of the show, it’s all jumbled up together na pabor sa mga artist natin,” pahayag ni JayR.

Siyempre, bilang isa na ring talent manager ng Crown Artist Management, maaaring gagamitin na rin ni Maja ang pagiging talent manager at hindi isang aktres o magaling na dancer. “May ganun po,” pakli ni Maja.

“Mas uunahin lang ‘yung pagiging headhunter pa rin. Tapos kunwari, gusto ko ang nag-audition pero ‘yung tatlong headhunters ay medyo ah hindi talaga, so rerespetuhin ko po ‘yun. May mga ganyan. Parang lahat dapat mag-agree kami, iisa lang ang decision na gagawin namin,” dagdag niyang pahayag.

Malaking challenge din ito kay Kayla na produkto naman ng isang singing competition. Pero mas challenging daw sa kanya ang masanay sa pagsasalita ng tagalog.

Si DJ Loonyo naman ay maingat ang sagot sa tanong namin kung apektado ba ang partisipasyon niya sa All-Out Sundays. Ang dinig ko kasi, hindi na siya kasali sa AOS dahil nga rito sa PoPinoy. “Pinag-uusapan po ng mga handler ko kung ano ang mangyayari. For sure, kung ano man ‘yung desisyon po ay isi-share namin sa inyo. For now, hindi pa po kami puwede magsabi kung ano ang decision for that,” sabi ni DJ Loonyo.

Bago ang pilot episode nito ay magkakaroon muna ng primer na mapapanood June 6 ng 8 ng gabi.

Isang documentary show ito, ang Idols of Pinoy Pop: Manila Sound to KPop na ihu-host ni Lourd de Vera.

vuukle comment

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with