^

PSN Showbiz

Male personality na todo deny sa kabaklaan, grabe ang kaharutan at kakyondian!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Haaay, kapag ganito nga namang pan­demya ay hindi lang kahirapan at pagkabagot ang nararamdaman ng buong bayan. Para sa iba ay biglang nagbabalik ang mga alaala ng kahapon.

Tulad na lang nitong aming source na biglang nagbalik ang naiinip nang utak sa isang nakakalokang karanasang kinapapalooban ng isang male personality na hindi pa sikat nu’ng mga panahong ‘yun.

Makyondi ang male personality, ayon sa aming source, masyado siyang maharot at malikot. Ang kasalukuyang karelasyon nu’n ng male personality ay isang guwapong young professional.

Kuwento ng aming source, “Hindi pa rin naman siya umaamin hanggang ngayon na beking duck siya, di ba, kahit napakarami nang ebidensiyang isa siyang closet queen!

“Pero maharot talaga siya, may kakyondian, napakasimple lang niya pero punumpuno siya ng paraan para makuha ang attention ng guy!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Nagkasundo ang male personality at ang dyo­wa niyang young professional na pagbigyan ang imbitasyon ng isang kaibigan sa isang napakalamig na lugar na dinadayo ng mga turista.

“Habang nandu’n sila, e, natural lang na magpainit sila ng katawan dahil napaka­lamig nga ng klima, di ba? So, nomo-nomo sila! Biglang duma­ting sa inuman ang ex ng young professional na anak ng isang kilalang pulitiko sa lugar na ‘yun!

“Guwapo ang boylet, napakaganda ng body, pang-contest! Huwag na kayong magtaka, ang relasyon nila, e, kami-kami, kapwa ko mahal ko! Puro sila kloseta!

“Habang nagkukuwentuhan ang grupo, e, biglang nagpaalam ang boylet, uuwi lang daw siya sandali, pero babalik din. Maya-maya, ang kyonding male personality naman ang nawala, maglalakad-lakad lang daw siya para mawala ang ginaw niya!

“Naku, naloka ang young professional dahil ang ex niya at ang male personality, e, nagpapakaligaya na pala sa isang sulok ng kabahayan! Nagwarla siyempre ang karelasyon ni male personality!

“Giyera mundial ‘yun, galit na galit ang young professional dahil pinakialaman ng aktor ang ex niyang super-guwapo! Malikot talaga siya sa aparato!

“Maparaan ang male personality na sikat na sikat na, magaling siyang sumimple, pero may-I-deny pa rin siya hanggang ngayon na kapwa ko, mahal ko ang relasyong nagpapasaya sa kanya!

“Wala nang clue, isang salita lang kasi ang banggitin ko, e, matutumbok n’yo na kung sino ang makyonding male personality na ito!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Asawa ni April Boy, muntik magpakamatay

Pagkatapos nang mahigit na tatlong buwan mula nang pumanaw ang Jukebox Idol na si April “Boy” Regino ay muli kaming nagkaroon ng komunikasyon ng kanyang biyudang si Madel de Leon.

Tinawagan kami ni Madel para sabihing hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakatatakas sa matinding kalungkutan dahil sa pagpanaw ng kanyang asawa.

Lalo pang tumindi ang kanyang pagdadalamhati nang mapanood niya ang Megastar na umiiyak sa Your Face Sounds Familiar nang kantahin ng isang kalahok ang piyesang Umiiyak Ang Puso ni April Boy.

Kuwento ni Madel, “Iyak po ako nang iyak, Sharonian po kasi kami ni April. Lahat ng pelikula niya, pinano­nood namin. Bumili pa kami ng concert ticket niya nu’n kahit mahal. Nasa unahan po kami.

“Hanggang sa i-compose niya na nga po ang Sana’y Laging Magkapiling na sina Sharon at Gabby (Concepcion) ang inspirasyon niya. Nagpakasal po sila, nagpakasal din kami ni April.

“Napakasarap pong balikan ang sobrang pagi­ging Sharonian namin ng asawa ko. At siyempre, hindi po makakalimutan ng buong pamilya ko ang napakalaking tulong na ibinigay ni Ms. Sharon nu’ng mamatay si April.

“Napakaganda po ng puso niya. Pasensiya na po kung hindi ko kayo masyadong nate-text, dumaan po ako sa matinding depression. Hanggang nu’ng minsan, e, gusto ko nang uminom nang maraming gamot para hindi na po ako magising.

“Naiisip ko lang po ang mga anak namin, pero hanggang ngayon po, iyak pa rin ako nang iyak kapag naaalala ko ang pagkawala ni April. Nu’ng March 3 po, 37th wedding anniversary na namin. Malapit na rin po ang birthday niya, April 9,” malungkot na pag-alala ni Madel.

Pakipaabot daw namin kay Sharon ang sobrang pasasalamat nilang mag-iina, “Bibihira na lang po ang tulad ni Sharon Cuneta na marunong magmahal at magpahalaga nang very sincere. Mas minahal pa po namin siya ngayon,” komento pa ni Madel de Leon Regino.

Makararating.

vuukle comment

APRIL BOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with