^

PSN Showbiz

Nasa Europe daw... Sofia dedma sa kuwentong pagbubuntis!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nasa Europe daw... Sofia dedma sa kuwentong pagbubuntis!
Sofia at BF

Walang sagot ang kampo ni Sofia Andres sa isyung nagdadalangtao na raw ito.

Marami lang ang nakapansin sa ilang post niya sa kanyang Instagram account na maluwag ang suot niyang damit.

Pero lately, mga kuha sa Coron, Palawan ang ipinu-post niya na hindi lang masabi sa ngayon kung kuha ba iyun recently o matagal na at ngayon lang ipinost.

Ang kumalat kasing kuwento ay nasa Europe na raw ito dahil halata na ang kanyang tiyan.

Nandun na nga raw ang mommy niya para samahan siya.

Wala naman daw problema sa lalaking nakabuntis diumano dahil pananagutan naman daw siya nito.

Nabibilang sa mayayamang angkan sa Cebu ang boyfriend nito na si Daniel Miranda.

Kaya abangan na lang ang pagbabalik niya para sagutin ang mainit na isyung ito.

Mon Confiado nag-iipon para makapag-produce ng pelikula

Mon

Ang magaling na character actor na si Mon Confiado ang isa sa nagpapasalamat na napasama siya sa Miracle in Cell No. 7.

Hindi lang daw kasi basta character roles ang ginampanan niya kundi malaki rin ang role. Kaya major support na siya rito.

“Eto nga ako mismo nagugulat na isa ako sa main support.

“Alam naman natin na ang madalas na ginagawa ko na support support, minsan cameo lang, minsan isang araw,” saad ni Mon.

Malaking bagay din daw iyung magandang pakikisama sa mga nakatrabaho mo dahil hindi ka napapabayaan at nabibigyan ng magandang role.

“Unti-unti ko nang naha-harvest yung mga itinanim ko,” dagdag niyang pahayag.

Dahil sa marami naman siyang close friends sa showbiz, pinag-iisipan na rin ni Mon na subukan ang mag-produce, pero hanggang co-production lang daw muna siya.

Hindi nga naman biro ang gastos sa pagpu-produce kaya kailangan pa raw niyang pag-ipunan pa.

“Mabuti pa sana kung meron tayong 22nd Street (yung comedy bar niya), pero wala na eh. Hindi kagaya dati na kaya pa,” pahayag ni Mon.

Pero pinag-iisipan pa raw niya ito sa ngayon. Kapag makapag-ipon na raw baka subukan na raw niya ang pagpu-produce.

“Meron akong dalawa o tatlong pelikulang niluluto at isa ako sa mga artista at eventually, makipagco-produce ako sa kanya,” saad ng aktor.

Iyun naman ang ginagawa ng ilang aktor na sinusubukan nilang makipag-co-produce bukod sa nag-aartista sila.

At least, dagdag pang kita kung susuwertehin ito sa takilya.

Kagaya ng ginawa ni Boss Vic del Rosario sa Miracle… ni Aga Muhlach. Ginawa niyang co-producer si Aga para hindi raw ito mali-late sa shooting at mas tutulong sa promo ng pelikula.

Umepek naman ay ang suwerte nga ni Aga sa first venture niya sa pagpu-produce.

Aos Huhusgahan

Ngayong araw na magsisimula ang All-Out Sundays na pumalit sa timeslot ng Sunday PinaSaya.

Bukod kina Alden Richards, Julie Ann San Jose at iba pang magagaling na Kapuso stars, dito na rin susubukan ang mga bagong tuklas ng Kapuso network mula sa StarStruck at The Clash.

vuukle comment

MON CONFIADO

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with