^

PSN Showbiz

Maureen pumiyok na sa pagkawala sa Eat Bulaga

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maureen pumiyok na sa pagkawala sa Eat Bulaga
Maureen

Sinagot na rin ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz ang isyung pagkawala niya sa Eat Bulaga.

Isa ito sa mga tinanong sa kanyang YouTube channel na maayos naman niyang sinagot.

Sabi niya; “Wala na ako sa Eat Bulaga kasi ang dami kong pangarap.

“Ang dami kong next projects at kailangan ko talaga mag-focus, mag-commit sa mga upcoming projects ko.”

Sabi pa ni Maureen sa kanyang social media account; “I know a lot of you have been asking me about Eat Bulaga and I’m sorry to say that I’m not with them anymore.

“No hard feelings tho!

“I’m so grateful for my experience there. They’ve accepted me into their family and made me feel really loved. I’ve learned a lot of things about myself and I’m so thankful for that.

“I’m missing my EB family a lot but we all agreed on me taking this path that I’m taking now.

“I really gotta focus and commit to them so please continue supporting me on my journey and stay tuned for my next projects.”

Nung napabalita ang pagkawala ni Maureen sa Eat Bulaga, nilinaw namin ito sa kanyang management group at sinabi nga nilang kailangang mag-focus muna ngayon ng model/host sa kanyang acting career.

Pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract sa Reality Entertainment, sisimulan na raw ang pelikulang gagawin niya pero kailangan pa niyang dumaan sa acting workshop at training dahil medyo mahirap daw ang role na gagampanan.

Maganda raw ang project na ibibigay sa kanya ng Reality, pero hindi lang muna nila masabi sa ngayon kung ano ito. Kailangan lang daw ni Maureen na mag-focus sa project na ito, kaya maayos daw ang pagpapaalam sa Eat Bulaga.

Ang latest na nabalitaan namin, meron na raw napiling bagong co-host na idadagdag sa EB Dabarkads na puwedeng ipalit kay Maureen.

Hintayin na lang siguro natin ang kanilang announcement, kahit may ideya na kami kung sino itong magaling na aktres, pero ayaw na lang muna natin sila pangunahan.

Kim walang pinagsisihan sa nangyari sa kanila ng basketbolista

Ang ganda ni Kim Domingo sa short hair niya nang humarap ito sa media­con ng bagong drama series ng GMA 7 na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Rayver Cruz at Megan Young.

Napangiti si Kim dahil wig lang daw pala ang suot niyang maiksing buhok. “Wig lang po. Tina-try ko lang kung bagay kasi ayoko pong magpagupit agad baka mabigla ko eh. So, try try muna ako ibang looks,” napapangiti niyang pahayag.

Balak daw niyang magpagupit pero wala naman daw kinalaman iyun sa break-up nila ng basketbolistang boyfriend niyang si Mike Acuña.

Pagdating sa break-up ay tipid ang mga sagot ni Kim dahil mas gusto raw niyang mag-focus muna sa bagong seryeng ito na magsisimula na sa July 22 pagkatapos ng Eat Bulaga.

Sabi lang niya; “Basta happy ako, happy rin siya. Parehas ang desisyon namin, at in good terms kami. Walang halong galit sa isa’t isa.”

Pero nilinaw ng sexy actress na marami siyang magagandang alaala at wala siyang pinagsisihan sa relasyong iyun.

“Hindi ko naman sinasabing nagkamali ako dahil lahat naman na desisyon sa buhay ko, wala naman akong pinagsisihan dahil ginusto ko yan,” sabi pa ni Kim.

Hindi naman itinatanggi ni Kim na may mga nagpaparamdam sa kanya na balak siyang ligawan, pero deadma raw muna siya at wala pa siyang balak na pumasok sa panibagong relasyon.

“Ngayon po kasi gusto ko talaga mag-focus sa career ko, lalo na dito…siyempre yung magiging twist ng karakter ko ay malaki na. So, kailangan ko talagang paghandaan at focus na ako,” saad ni Kim.

vuukle comment

KIM DOMINGO

MAUREEN WROBLEWITZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with