^

PSN Showbiz

GirlTrends, nagsisiraan at nag-aaway-away!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
GirlTrends, nagsisiraan at nag-aaway-away!

Ang grupong GirlTrends ng noontime program nina Vice Ganda, Anne Curtis at Vhong Navarro na It’s Showtime ay unti-unti nang nakikilala. Pero, mukhang hindi sila magiging singtatag ng grupong Hashtags. Mukhang masisira sila ng kanilang mga awayan. Katunayan, hindi napapansin ng mga manonood pero meron na palang naalis na miyembro dahil sa kanilang pag-aaway-away. Kung hindi pa nag-guest si Chie Filomena and openly mentioned her complaint against another member ay hindi pa malalaman ng lahat na all’s not well sa GirlTrends. 

Pagbalik ni John Lloyd sa TV at pelikula hindi na nakakabigla

Nakakagulat ba kung balikan ni John Lloyd Cruz ang paggawa ng pelikula? Syempre hindi, wala nang mas gaganda pang trabaho bukod sa pag-arte sa harap ng camera. Na kay John Lloyd ang lahat ng pagkakataon at karapatan na balikan ang pag-aartista niya, let us just welcome him with open arms. Isa pa rin siyang asset ng pelikula at telebisyon.

Kathryn at Alden movie kailangang kumita

May dahilan para kabahan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang ­unang pagpapareha. Hindi pa nila kasi nararamdaman ang 100% na suporta ng kanilang fans. Marami sa kanila ang nag-a-adjust pa sa mala­king pagbabago na naganap. O baka naman marami sa kanila ang solid pa rin kay Daniel Padilla as Kathryn’s partner? At yung fans naman ni Alden ever since ay parang gustong manatili na lamang na nagsosolo ang idolo nila.

Bahala kayo, malaking kabawasan sa estado at popularidad nina Alden at Kathryn kapag sumemplang sila.

Congratulations!

Congrats sa katotong Ronald Rafer, meron siyang bagong kuwento na gagawin din niyang pelikula, at siya rin mismo ang magdidirek. Pinamagatan niya itong Sa Mga Sulok ng Pangarap na kung saan ang mga artista ay sina Bugoy Cariño, Belle Mariano, Izzy Canillo, Micko B. Laurente, Ynigo Delen at Justin Alba.

Gagamit din si Ronald ng local talents mula sa Quezon Province.

vuukle comment

GIRLTRENDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with