^

PSN Showbiz

Derek Ramsay handa nang maging Kapuso!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek Ramsay handa nang maging Kapuso!
Derek

Bago matapos ang buwan ng Pebrero ay posibleng matuloy na rin ang contract-signing ni Derek Ramsay sa GMA 7.

Kinukulit ko ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong, pero wala pa siyang binibigay na sapat na impormasyon kaugnay sa contract-signing.

Inaayos lang daw ang detalye ng kontrata at hanggang dun lang muna ang puwede niyang masagot sa akin.

Sabi naman ng ilang napagtanungan namin, may inaayos na raw ang programa para kay Derek na kung saan makasama niya si Kim Domingo. Pero hindi ito sinagot ng ilang napagtanungan namin.

Ang pagkakaalam lang daw nila sa GMA 7, kailangan pumirma muna bago ilatag ang konsepto ng gagawin niyang programa. Kaya hintayin na lang siguro ang pirmahan bago maglabasan ng ibang kuwento kung ano na nga ba ang gagawin ni Derek sa GMA 7.

Pero mukhang tuluy na tuloy na ang hunk actor sa GMA 7 at balik-Kapuso na siya.

Kaya bukod sa mga bagong programang sisimulan ng GMA 7, may mga naka-line up pa na gagawin, at isa na rito ang pagbibidahan ni Derek Ramsay.

Ketchup malapit nang manganak ang GF

Tahimik lang ang lovelife ni Ketchup Eusebio, pero sobrang happy pala siya ngayon dahil malapit na pala silang magka-baby ng long-time non-showbiz girlfriend niya.

Ngayon lang napabalitang buntis ang girlfriend niya dahil lumalabas ngayon si Ketchup para sa promo ng pelikula nilang ‘Tol na magsu-showing na sa January 30.

Sa April na raw ang due nito, pero hindi pa raw nila alam kung boy o girl ang magiging baby nila.

“Kung ano man po ang gender niya, basta maayos siya, okay na sa amin yun,” pakli ni Ketchup nang nakapanayam ito sa Level Up radio program ni Noel Ferrer sa Radyo Inquirer.

Mamayang gabi ang premiere night ng ‘Tol na gaganapin sa Trinoma.

Gusto sana ni Ketchup isama ang non-showbiz girlfriend niya, pero baka hindi na raw kayanin dahil malaki na ang tiyan.

“Baka ma-stress pa siya sa dami ng tao,” sabi ni Ketchup.

Samantala, kasabay ng ‘Tol na magsu-showing ang Bato: The Movie at makakasabay din ng premiere night ngayong gabi.

Ang intrigang narinig namin, lumipat na lang ng Trinoma ang ‘Tol para hindi na makasabay sa Bato: The Movie dahil inaasahang dadalo rito si Pres. Rodrigo Duterte at iba pang cabinet members at mga pulitiko, bilang suporta kay Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Aaron GAME sa frontal nudity

Magkakasunod na ang mga pelikulang ginagawa para sa iWant TV na mukhang pinapalakas na ito ngayon.

Napag-usapan yung Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca, at meron na ring ipalalabas na pelikulang dinirek ni Joross Gamboa.

Ngayon ay ginagawa na rin pala ni Eugene Domingo ang part three ng Ang Babae sa Septic Tank na sabi ni Atty. Joji, tawa raw siya nang tawa nung binabasa niya ang script.

Tingin daw niya mas mai-enjoy nang manonood itong pangatlong part ng pelikula ni Eugene.

Kasama na rito ngayon si Tony Labrusca na nilinaw raw muna ng produksyon kung may working permit na ba ang aktor.

Binigyan naman daw pala ng Bureau of Immigration ng working permit si Tony bago siya kumuha ng mga trabaho, at isa na nga rito ang Ang Babae Sa Septic Tank.

Ang isa pang malapit na rin daw simulan ay ang digi-series na ididirek naman ni Lino Cayetano.

Sex and Coffee ang working title na isa sa magbibida ay si Aaron Villaflor.

Medyo maselan daw ang tema at mapapa-sexy rito si Aaron.

Napanood nga raw niya ang Glorious at tingin daw niya kaya naman niyang gawin ang mga eksena roon nina Tony at Angel.

Parang mas gagalingan pa niya ang kissing scene lalo na’t crush daw niya si Angel.

Tila handa na rin naman ngayon si Aaron na magpa-sexy dahil kung mabigyan lang daw siya ng magandang proyekto, okay lang sa kanya ang mag-frontal nudity.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

KETCHUP EUSEBIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with