^

PSN Showbiz

Mga alahas ni Sharon na kumukuti-kutitap agaw-pansin sa kanyang concert

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga alahas ni Sharon na kumukuti-kutitap agaw-pansin sa kanyang concert
Richard at Sharon

May nagkuwento sa akin na mega successful ang 40th anniversary concert ni Sharon Cuneta sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes kaya napaiyak siya sa sobrang happiness.

Tumagal daw ng tatlong oras ang concert ni Sharon pero walang umuwi dahil nag-enjoy ang lahat sa panonood. Take note, nagbayad talaga ang concertgoers na mga kasing-edad ni Sharon kaya can afford sila na bumili ng tickets.

Hindi na natuloy ang plano na second night ng My 40 Years noong Sabado pero kung natupad ito, sure na marami pa rin ang manonood dahil sa word of mouth na napakaganda ng concert niya. Hindi pa naman huli ang lahat dahil puwedeng-puwede pa na magkaroon ng repeat ang pinag-uusapan na anniversary concert ni Sharon.

Kung talk of the town ang concert ni Sharon, pinag-uusapan din ang mga nagkikislapan na alahas na ginamit niya sa kanyang 40th anniversary concert.

Naloka ang mga nanood sa mga alahas ni Sharon na agaw-pansin at talagang mamahalin.

Kumukuti-kutitap ang hikaw, bracelets at singsing ni Sharon na may bongga at nakakainggit na koleksyon ng alahas. Isa si Sharon sa mga pinakama­yaman na artista sa Pilipinas dahil masipag, masinop at magaling na mag-invest sa mga negosyo.

Special guest ni Sharon ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

May duet number ang mag-ina at habang kumakanta sila, na-sight na umiiyak si Frankie, ang kapatid ni KC na touched na touched sa eksena na pinapanood niya.

Pagkatapos ng song number nila, nagbiro si Sharon na produkto si KC ng Dear Heart pero walang mention kay you know who.

Duet kay Goma pinakamaingay

Siyempre, ang Somewhere Down the Road duet ni Sharon at ng kanyang ex-boyfriend na si Richard Gomez ang umani ng pinakamalakas na palakpakan at hiyawan.

Kahit may kanya-kanya nang pamilya ang dalawa, kinikilig pa rin ang fans sa tambalan nila.

Mauulit ang pagsasama nina Richard at Sharon sa isang movie project na ipo-produce ng Star Cinema, kukunan ang mga eksena sa Ormoc at ipalalabas sa mga sinehan sa November 2018.

Sa Ormoc ang shooting ng pelikula para hindi magkaroon ng conflict sa mga responsibilidad ni Ri­chard bilang alkalde ng lugar na pinamumunuan niya.

Ang sabi ng source ko, halos sumabog sa malakas na hiyawan ang Big Dome nang matapos ang duet nina Richard at Sharon dahil papalabas na ng stage si Richard pero bumalik ito at muling niyakap nang mahigpit si Sharon.

Positive sign para sa pelikula na gagawin nina Richard at Sharon ang kilig na kilig na reaksyon ng Smart Araneta Coliseum audience sa kanilang song number.

Sikat na singers umeksena rin

Noong ipino-promote ni Sharon ang concert niya, hindi siya nagbanggit ng pangalan ng mga special guest kaya walang alam ang audience kung sino ang mga performer na mapapanood nila.

Sulit na sulit ang pagod, datung at oras ng mga dumayo sa Big Dome dahil mga top-calibre singer ang guests ni Sharon, sina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Basil Valdez, Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Richard Gomez at Christopher de Leon na forever crush ng Megastar.

Fan na fan si Sharon sa duet nila ni Christopher na crush niya hanggang ngayon. Ikinuwento ni Sharon na naging crush nito si Christopher nang mapanood niya noong 1980 sa isang sinehan sa Baguio City ang Kasal? Si Hilda Koronel ang leading lady ni Boyet sa Kasal? na unang movie directorial job ni Laurice Guillen.

Sinabi ni Sharon sa sarili na darating ang araw na makikilala niya si Christopher at nangyari ito. Hindi lamang niya nakilala nang personal si Christopher, nagkasama pa sila sa mga pelikula na nagbigay sa kanya ng mga acting award.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with