^

PSN Showbiz

Bela mahilig sa mga sira

Mae Mercado - Pilipino Star Ngayon
Bela mahilig sa mga sira
Bela

MANILA, Philippines — Parang kailan lang, pero isang taon na ang natapos mula sa kanilang matagumpay na unang tambalan sa blockbuster movie na 100 Tula Para Kay Stella. Ngayon ay muling magtatambal sina Bela Padilla at JC Santos para sa bago nilang pelikulang The Day After Valentine’s.

Isang kakaibang kuwento ito ng pag-ibig mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana. Ang nasabing pelikula ay isa sa walong official entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na magbubukas na sa lahat ng sinehan nationwide simula sa ika-15 ng Agosto.

Ginagampanan ni Bela ang papel ni Lani, isang simpleng dalaga na mahilig sa broken things at Baybayin, habang Si JC naman ay gumaganap bilang si Kai, isang binatang nahihirapang mag-move on sa kanyang past relationship.

Kumpara kina Fidel at Stella ng 100 Tula, mas komplikado ang karakter nina Kai at Lani sa The Day After Valentine’s. Ayon nga kay Bela mare-realize mo sa pelikulang ito ang katotohanang masakit ang magmahal.

Ayon naman kay JC, sinabi nitong mas rewarding ang muling pagtatambal nila ni Bela kasama ni Direk Jason Paul Laxamana, na siya ring sumulat at nagdirek ng kanilang unang tambalan. Aniya, ito marahil ay resulta ng unde­niable chemistry at friendship na nabuo habang ginagawa nila ang 100 Tula, na siya ring nag-uwi ng Audience Choice Award sa unang edisyon ng PPP.

Ang The Day After Valentine’s ay rated PG by the MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Produced by VIVA Films.

Victor Magtanggol, tinutukan agad!

Ibang klaseng pasabog talaga ang ginawang pagbabalik ni Alden Richards sa primetime block. Hindi kasi maide­deny na ang Kapuso telefantasya niyang Victor Magtanggol ang pinakapinag-uusapan ngayon. Simula nga nang magsimula ito, talagang tinutukan na ang kuwento ng pinakabagong tagapagtanggol ng mga tao. Minahal agad ng viewers ang konsepto nitong pang-world class ang da­ting at kakaibang atake ni Alden bilang si Victor. No wonder na bitin ang mga manunuod sa naging ending nito last Friday.

Zia may birthday gift sa kanyang daddy Dingdong

Hindi maawat ang DongYan fans na pasabugin ang social media feed namin kama­kailan dahil nabuhay sila sa pasabog ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang batiin niya ang asawa na si Dingdong Dantes para sa birthday ng Ama­zing Earth host. maiksi man, damang-dama pa rin ng fans ang sagad sa butong pagmamahal ni Yan para sa asawa. Sa IG stories naman ni Yan, dinig ang cute na boses ni Zia na kumakanta para sa kanyang daddy. Napaka-cute at sweet naman!

Nagkapatawaran na…

Walang sinayang na eksena ang Kambal Karibal sa naganap na finale episode nito last Friday dahil para sa viewers punung-puno ng emosyon ang katapusan ng istorya nina Crisan (Bianca Umali), Crisel (Pau­line Mendoza), Cheska (Kyline Alcantara) at Diego (Miguel Tanfelix). Lahat nga ay nagkaroon ng magandang katapusan--nagkapatawaran ang kambal na sina Crisan at Crisel, nagkaroon na ng katahimikan ang katawan ni Cheska at ang pakilig nina Diego at Crisan.

Gayumpaman, aminado ang mga manonood na malungkot sila sa pagtatapos na ito ng GMA series dahil wala na silang aabangan tuwing gabi. Agree sila sa sinabi ni Bianca na perfect fit silang apat to work with each other. Kaya naman for sure, hahanap-hanapin nila ang chemistry ng mga ito. Don’t worry, mga Kapuso, malay niyo magkaroon uli sila ng project together. We never know!

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with