^

PSN Showbiz

John lloyd, Nora, Sharon, Kris, pasok sa mga pasaway!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
John lloyd, Nora, Sharon, Kris, pasok sa mga pasaway!

John Lloyd

Napakagasgas na salita sa showbiz ang pa­saway. Kapag nagmamaldita ang artista, pa­saway agad ang terminong ikinakambal sa kanya, maarte at matigas ang ulo agad ang paghusga.

Kapag nagbibisyo ang personalidad, pasaway pa rin ang maririnig na komento, walang disiplina at walang pagmamahal sa kanyang buhay at trabaho.

Maraming artistang itinuturing na pasaway ng publiko sa iba-ibang paraan. Silipin nga natin kung sinu-sino ang mga personalidad na kasali sa ganu’ng hanay.

Baron Geisler. Magaling siyang aktor, may award pa nga, pero nagpatalo siya sa kaway ng bisyo ng pag-inom nang sobra-sobra sa kanyang kapasidad.

John Lloyd Cruz. Nasa kanya na ang lahat, pero parang nawalan ng saysay  ang mga titulong ipinaaangkin sa kanya, mas pinili niyang talikuran ang showbiz dahil kay Ellen Adarna.

Jiro Manio. Magaling siyang aktor pero may kung ano pa rin siyang hinahanap, kaya humingi siya ng tulong sa bisyong gusto na niyang tanggalin ngayon sa kanyang sistema, kaya siya nagpa-rehab.

JM de Guzman. Minsang naging pasaway, pinanghinaan ng loob, pero naging sinsero sa proseso ng gamutan kaya balik-pag-arte na uli siya ngayon.

Kris Aquino. Mula sa pagiging poste ng ABS-CBN ay biglang naligwak, dalawang taon na siyang walang programa ngayon, nakapanghihinayang ang naganap kay Kris na ang ibinibigay na dahilan ng dati niyang network ay ang pagiging pasaway niya sa trabaho.

Maine Mendoza. Mismong mga tagasuporta niya ang nagsasabing pasaway ang Dubsmash Queen, wala raw siyang pakialam sa damdamin ng kanyang mga tagahanga, basta gagawin niya kung ano ang gusto niya. Lalo siyang binansagang pasaway nang birahin niya mismo ang mga taong napakalaki ng naitulong sa pagsikat niya sa pamamagitan ng isang open letter.

Sharon Cuneta. Maraming hindi sumasang-ayon sa Megastar kapag naglalabas  siya ng mga maemosyonal na posts, masyado na raw personal ang kanyang mga sinasabi na nagbibigay ng mga ideyang negatibo sa relasyon nila ni Senador Kiko Pangilinan, na hindi niya naman inaamin.

Maricel Soriano. Totoo man o imbento lang ang mga kuwentong ibinabato laban sa Diamond Star, ayon sa mas nakararami ay pagiging pasaway pa rin ang basta na lang niya pang-iiwan sa kanyang trabaho, sinayang daw ng aktres ang magagandang oportunidad sa career niya.

Marian Rivera. Mahal na mahal niya si Dingdong Dantes pero laging nabibira ang aktres sa sobra niyang pagiging selosa. Anumang sobra, sabi nga, ay hindi na maganda. Ilang personalidad na ba ang kinompronta ni Marian dahil sa sobra niyang pagseselos?

Nora Aunor. Ang dami-daming kuwento. Kung anu-anong istorya ang kinapapalooban ng nag-iisang Superstar, pero ang pinakakabuuan, maraming nanghihinayang sa kanyang career na parang lulubog-lilitaw dahil na rin sa kanyang kapabayaan.

Rosanna Roces. Sa kanya talagang ikinakambal ng marami ang salitang pasaway. Dahil du’n ay nawala ang kinang ng kanyang bituin, naging mailap sa kanya ang mga proyekto, maraming nagtatanungan kung nasaan na siya ngayon.

Nadine Lustre. Itinuturing na pagiging pasaway ang mga ginagawa niyang hindi sinasang-ayunan maging ng kanyang mga tagahanga. Sobrang liberated ang paghusga sa aktres dahil hindi niya iniisip kung ano ang kahihinatnan ng kanyang mga sinasabi at ginagawa.

James Reid. Walwal. Palaging nale-late sa kanyang trabaho. Mahilig sa bar hopping. Umuuwi nang umaga na at walang pakialam sa kanyang mga kompromiso.

Mariel de Leon. Super-pasaway! Pinag-iinitan palagi sa social media ang anak nina Christopher at Sandy Andolong dahil sa pagiging taklesa ng beauty queen.

May mga pagkakataong may punto na ang kanyang opinyon, pero nega pa rin ang tingin sa dalaga, dahil sa pagiging pasaway ng dila niya na mahirap unawain.

Luis Manzano. Magaling siyang TV host pero maraming bumibira sa aktor dahil sa ginagawa niyang pamemersonal sa mga bashers nila ni Jessy Mendiola.

Para sa marami ay nakababawas ‘yun sa kanyang mga katangian, hindi gusto ng mga kababayan natin sa lalaking mapagpatol sa mga pagpuna, dedmahin na lang daw sana ni Luis ang mga kumakalampag sa kanila ni Jessy dahil hindi ‘yun nakadadagdag sa imahe niya.

Angelica Panganiban. Totoong meron siyang ipinaglalaban, akala niya’y sila pa rin ni John Lloyd Cruz, pero may sumingit na palang Ellen Adarna sa kanilang pagbabalikan.

Pero maraming hindi nagkakagusto sa kanyang mga parinig at pagpaparamdam dahil parang lumalabas na naghahabol siya kay JLC kahit pa hindi naman at naglalabas lang siya ng emosyon.           

Mayamang female star maramot sa pagkain! Daig pa ang babae; aktor Ibinababad muna sa yelo ang MUKHA para MAS kuminis!; TV personality mahilig mangialam sa ginagawa ng mga katrabaho!

Pasaway ang tawag ng kanyang mga kapwa artista sa isang female personality na pa-laging may hawak na water jug. Pero hindi tubig ang laman nu’n, hindi rin softdrinks, kundi alak.

Pinagpipistahan din sa isang network ang kamalditahan ng isang young actress na walang pagrespeto maging sa mga senior stars. Nilalampas-lampasan lang niya ang mga ito at umaastang bida sa serye pero isa lang naman siya sa pamparami.

Napakatagal namang mag-make-up ng isang female personality na lumundag ng kuwadra. Pero ayon sa kanyang mga katrabaho, ubusin man niya ang laman ng kanyang make-up kit ay wala pa rin namang pagbabago, mukha pa rin siyang kontrabida sa lahat ng kanyang mga anggulo.

Pasaway na pasaway ang dating ng isang male personality na daig pa ang mga kasamahan niyang female stars sa sobrang pagiging vain. Napakabanidoso niya, matagal siyang gumamit ng CR, dahil bitbit niya ang lahat ng mga lotion at pampakinis ng balat kapag gumagamit siya ng banyo.

Sabi ng isang source, “Nu’ng mag-shooting kami sa isang malayong probinsiya, e, aligagang-aligaga siya, mainit ang ulo niya, dahil walang mabiling yelo ang PA niya.

“Kapag naliligo pala siya, e, ibinababad pa niya sa yelo ang face niya, saka pa lang niya aaplayan ng lotion na pampa-flawless daw ng kutis niya!”

Pasaway din ang isang actress-TV host na nu’ng mag-shoot ng isang TVC kasama ang da-lawa pang female stars ay inagaw ang dress na hindi naman para sa kanya. Simple lang ang kanyang sabi, “Ako ang nasa middle ng TVC, dress ko dapat ang pinakamaganda!”

Pasaway din bang matatawag ang isang female star na walang pakialam na kain nang kain sa taping nang hindi man lang nag-aalok sa kanyang mga kasamahan? Mayaman ang girl, can afford siyang gumastos, pero may karamutan siya.

Tunay na pasaway ang isang female news personality na pakiala-mera kung tawagin ng kanyang mga kahanay. Post siya nang post ng mga ginagawa niya, pero kung bakit pati ang ginagawa ng mga katrabaho niya ay pinakikialaman pa ring i-post ng female news TV personality na ito, kaya marami siyang kaaway.

Pasaway din ang isang young actress na order nang order ng mga imported products sa isang businesswoman, pero kapag oras na ng bayaran, nagtatago na. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ng negosyante, pero kapag oorder siya ng mga gusto niya, kahit alas-dos nang madaling-araw, may panahon siya.

Pasaway din ang mommy ng isang young actress na ewan kung bakit gustung-gustong nahihirapan ang anak niya. Hindi niya pinapapasok ang kanilang family driver kapag may taping ang anak niya, kaya ang ending, nagpapasundo na lang sa service ng production ang kawawang young actress.

Pasaway ding maituturing ang isang dating matinee idol na super sa kakuriputan. Kapag nag-aambag-ambag na sa set ang kanyang mga co-stars para sa kanilang merienda ay nagtutulug-tulugan siya. Pagdating ng food, nakikikain din naman siya. At mas marami pa nga siyang nakakain kesa sa mga nagpapabili ng merienda.

Magaling umarte ang isang senior female personality. Pero pasaway ang dating niya sa mga kapwa niya artista dahil kahit madaling-araw na ay tumatawag pa siya para mag-reading daw sila ng mga dialogues ng makakaeksena niya sa serye. Malaki siyang abala!

Hindi ba pasaway na maituturing ang isang young male personality na kung makaporma ay parang sikat na sikat na siya? Patakip-takip pa siya ng mukha kapag nagpupunta sa matataong lugar pero wala namang pumapansin sa kanya. #mayabang.

Matindi ang pagiging pasaway ng isang male singer na produkto ng isang malaking talent search dahil sa mga provincial shows na pinupuntahan niya ay aksayado siya sa gasolina ng service van nila.

Hindi siya agad bumababa, umaandar ang sasakyan at kumokonsomo ng gasolina, dahil sa bisyo niyang pagsusunog ng baga. Parang sabungero ang male singer na ito kung magyosi. Sunud-sunod. Sunog-baga siya talaga.

May kasupladuhan ang isang male singer, nambabara siya ng staff ng isang variety show kung saan siya regular na nagpe-perform. Kapag sinasabihan siya ng continuity writer kung saan ang blocking niya ay agad na siyang mambabara, “Alam ko na, huwag mo na akong turuan, sa tagal na ba namang kumakanta ako sa show na ito?”

Pero ang ending, hindi niya alam ang kanyang blocking, naliligaw siya, kaya pasaway ang tawag sa kanya ng staff ng show.

Pasaway ang isang kilalang female personality na matingger-Z! Yes, malikot ang kanyang mga kamay. Iniiwasan na siya ng kanyang mga kapwa-artista sa isang show dahil palagi silang nawawalan ng mga kagamitan kapag nandu’n ang maganda pa namang female personality.

Pasaway din ang isang male performer na nagbibilang ng kanyang exposure sa isang variety show. Tanong siya nang tanong sa staff kung bakit dalawa lang ang kakantahin niya, bakit mas marami ang iba niyang mga kasamahang performers, samantalang kinikilala sa buong mundo ang talent niya?

Biritero ang male singer na ito, kayang-kaya niyang abutin kahit ang pinakamatataas na nota, du’n siya magaling.

vuukle comment

PSN32ANNIV2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with