^

PSN Showbiz

Pelikula;ng pang-MMFF ni Kris iba na naman ang title, Bistek itspuwera na talaga?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi na umano Pamilya Love Love Love ang titulo ng MMFF movie ni Kris Aquino kundi ginawa na itong All You Need is Pag-ibig at mukhang hindi na matutuloy ang tambalan nila ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista at maging ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano kundi sina Kim Chiu at Xian Lim na umano ang kasama sa pelikulang pinamamahalaan ng writer-director na si Antoinette Jadaone.

Tiyak na magiging mahigpit ang labanan sa takilya ng mga pelikulang kalahok sa MMFF dahil malaking factor ang pagkakasali ng tatlong maiinit sa love­team sa magkakaibang kalahok na pelikula.

Wally tuloy ang hirap na nararamdaman sa anak na labas-masok sa hospital

Marami ang natutuwa para kay Wally Bayola dahil tuluyan na itong nakabawi sa iskandalong kanyang kinasangkutan noong 2013. Tumatak nang husto sa mga manonood ang kataga niyang “Sa tamang panahon”. Malaki ang dapat ipagpasalamat sa kanya ng tambalang AlDub.

Habang patuloy na nagbibigay saya si Wally sa mga manonood, patuloy naman ang kanyang hirap na nararamdaman bilang ama sa kanyang may sakit na anak na labas-masok ng pagamutan.

JM wala nang aasahang third chance?

Bagama’t idinenay ni Arron Villaflor na hindi pa mamamaalam ang seryeng All of Me, meron pa ring balitang lumulutang na mapapaaga uma­no ang pagkawala sa ere nito dahil nga sa lead actor ng serye na si JM de Guzman?

Kung ito’y totoo, nakakapanghinayang naman ang second chance na ibinigay kay JM ng Kapamilya Network sa muli nitong pagbabalik matapos siyang ma-rehab ng ilang buwan na may kinalaman sa droga.

Napakatalented ni JM para sayangin ang magagandang break na ipinagkakatiwala sa kanya.

Naging remarkable ang kanyang pagbabalik dahil sa kanilang hit indie movie ni Angelica Panganiban na That Thing Called Tadhana na idinirek ni Antoinette Jadaone. Naging sunud-sunod ang kanyang mga guest appearances sa mga programa ng ABS-CBN hanggang sa muli siyang pagkatiwalaan ng isang bagong teleserye.

May MMFF (Metro Manila Film Festival) movie rin sana si JM under Quantum Films na pagtatambalan nila ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado pero siya’y pinalitan na ni Jericho Rosales.

Will there be another chance for him in the future kung hindi siya magbabago?

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ALL OF ME

ALL YOU NEED

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

ANTOINETTE JADAONE

ARRON VILLAFLOR

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with