^

PSN Showbiz

Kris at Claudine sabay nagpaospital

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natuloy noong Thursday at Friday ang two days executive check-up ni Kris Aquino at ibinalita nito sa Instagram (IG) na last Thursday, unang ginawa sa kanya ang chest X-ray, stress test, at 2D Echo. Masayang ibinalita ni Kris sa followers niya na physically in good shape ang heart niya.

Kahapon, ang ginawa naman sa kan­ya ay ultrasound, colonoscopy, eye exa­mination, blood works, at iba pang ka­ilangang ma-check ng doctor. Sina­ma­han si Kris sa ospital ni Bimby.

Ngayong Sabado, nasa It’s Showtime si Kris para mag-promote ng Etiquette for Mistresses at para samahan ang best friend niyang si Vice Ganda sa kick-off ng anniversary show nito.

Kasabay ni Kris na nasa ospital si Claudine Barretto, pero magkaiba sila ng ospital at magkaiba ng rason. Batay sa nakita namin sa IG ni Claudine, nasa ospital siya dahil sa UTI (Urinary Tract Infection), pero nasa It’s Showtime na rin daw ito this Saturday, kaya kompleto ang cast ng Star Cinema movie.

Shooting ni Yaya Dub bawal ipagkalat

By this time, nakapag-first day shooting na si Maine Mendoza aka Yaya Dub ng My Bebe Luv, ang first movie nila ni Alden Richards na pinagbibidahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas at entry sa 2015 MMFF (Metro Manila Film Festival). Mahigpit si director Joey Reyes at dapat walang detalye sa shooting ni Maine ang lalabas at masusulat. Kaya kung napansin ninyo, walang nagsusulat kung saan ang location ng shooting nila.

Bawal din kunan ng picture si Maine sa shooting, lalo na kung staff ang kukuha. May rason kung bakit ganito kahigpit si direk Joey at ang mga producer. Ang importante, natuloy na ang shooting ni Maine, ‘yun nga lang, hindi pa sila puwedeng magsama ni Alden sa shooting.

Nabalita na rin pala na pagkatapos ng My Bebe Luv sa MMFF, ang next movie raw na gagawin ng dalawa ay pang-Valentine’s Day to be directed by Mike Tuviera. Naalala naming nabanggit ni direk Mike noong contract signing ni Alden sa APT Entertainment na hindi siya papayag kung hindi niya maididirehe sa pelikula ang Aldub love team.

Cristine sinusulit ang showbiz habang ‘di pa kasal

Mukhang mauunang ikasal si Cristine Reyes sa mga engaged couple sa showbiz dahil ibinalita nitong nagkaroon na sila ng food tasting sa kanyang IG. Makikita ring binisita nila ng venue at nakapili na sila ng wedding ring ng fiancé niyang si Ali Joshua Kahatibi.

May ginawang pelikula si Cristine sa Viva Films, isa sa three episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin at may gagawing soap sa ABS-CBN kasama sina Isabelle Daza at Zanjoe Marudo.

Marian magtatrabaho pa hangga’t ‘di pa nai-ere

Eight weeks na lang pala ang hihintayin ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagsilang ng kanilang first baby nila sa November. Ngayong Sabado nga, gaya ng nasulat namin, gaganapin ang baby shower at gusto ni Marian. Isang baby shower lang ang gusto niya para sa panganay nila ni Dingdong.

Tinanong pala namin ang manager ni Ma­rian na si Rams David kung hanggang kailan lalabas sa Sunday PinaSaya ang aktres. Ang sagot nito, hangga’t kaya pa ni Marian na umapir sa show at ito na rin ang magsasabi kung hindi na niya kaya o mas gustong magpahinga at hintayin ang paglabas ni Baby Maria.

Heneral Luna ibinalik sa ibang sinehan, may pag-asa pang makabawi

Nabasa namin sa Facebook post ni Atty. Joji Alonso na sa third week ng Heneral Luna, ang total gross na ng movie ay P63,399,822. Malaki pa raw ang hahabulin nila (P136,600,178) para maka-break even sa malaking ginastos ng Artikulo Uno Productions na gawin ang isang maganda at makabuluhang pelikula.

Ang magandang balita, ibinalik sa SM cinemas nationwide ang Heneral Luna para mapagbigyan ang maraming request na mapanood ang pelikulang pinagbibidahan ni John Arcilla.

Sana nga makabawi ang mga producer sa inilabas na malaking pera para matuloy ang Gregorio del Pilar na pagbibidahan ni Paulo Avelino at ang Manuel L. Quezon na hopefully, ibigay kay Benjamin Alves. Si Benjamin kasi ang gumanap sa role ni Lt. Manuel L. Quezon sa Heneral Luna.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALI JOSHUA KAHATIBI

ANG

HENERAL LUNA

MANUEL L

MY BEBE LUV

NBSP

NGAYONG SABADO

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with