^

PSN Showbiz

AiAi at Gladys malungkot sa paghihiwalay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bukas ang farewell episode ng Let The Love Begin, ang primetime te­leserye ng GMA 7 na pinagbibidahan nina AiAi delas Alas, Mark Anthony Fernandez, Gladys Reyes, Donita Rose, Gina Pareño at ng loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Ang sey ni AiAi, mami-miss nila ni Gladys ang isa’t isa dahil nabuo ang kanilang friendship sa set ng Let The Love Begin.

Feeling lonely ang dalawa dahil wala silang mga dull moment sa taping ng kanilang teleserye.

“Mami-miss ko si Ate Ai, sa mga panahon na nagkasama kami sa taping, nagkasundo kami. Mas nakilala ko siya at gusto ko uli siyang makatrabaho sa isang sitcom.

“I would like to thank Direk Gina (Alajar) for trusting me sa mga eksena. Nagkakaintindihan agad kami and I will always be grateful that I had the chance to work with her as the director,” ang sey ni Gladys.

Samantala, nawalan man ng show si AiAi, may kapalit agad dahil host siya ng Sunday PinaSaya, ang noontime variety program na mag-uumpisa sa Linggo. Malapit na rin na simulan ang shooting ng pelikula nila ni Vic Sotto na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Willie nakikialam na uli sa rehearsals at brainstorming

Misinformed ang mga nagsabi na hindi totoo ang balita na mawawala ang Wowowin, ang game show ni Willie Revillame.

Totoo ang tsismis dahil mismong si Willie ang nagkumpirma na muntik nang magbabu sa ere ang kanyang game show pero naging maganda at maayos ang pag-uusap nila ng GMA 7 management kaya magtutuluy-tuloy ang programa niya.

So, simula sa darating na Linggo, August 9, mapapanood pa rin ang Wowowin pero sa bagong timeslot na 2 p.m.

Hindi nakakalimutan ni Willie na banggitin na ang Sunday PinaSaya ang pre-program ng Wowowin na nadagdagan din ng 15 minutes na airtime.

Inspired na inspired si Willie sa mga bagong development kaya nakikialam na uli siya sa rehearsals at brainstorming.

Bawal ang late sa production m­eeting dahil kahit isang minuto lang ang diperensya, pinauuwi ni Willie ang mga latecomer, isa sa mga paraan niya para magkaroon ng disiplina at mahalin ng kanyang mga empleyado ang kanilang mga trabaho.

Ipinagbabawal din ni Willie sa mga tauhan niya na mag-report sa meeting at taping ng shorts lamang ang suot.

Masaya ang presscon kahapon ng Wowowin dahil walang umuwi ng luhaan.

Type na type ko ang mga laman ng loot bags na ipinahanda ni Willie para sa entertainment press. May Happy mobile cellphone, mga gamot, gift certificate, payong, at ang Wowowin jacket na pinakaasam-asam ng marami.

Inisa-isa ni Willie ang mga laman ng loot bag kaya parang nasa studio kami ng Wowowin.

Mark Anthony nagkamali sa first shooting day

Naging malapit din kay AiAi ang aking inaanak na si Mark Anthony Fernandez.

Parang ate at nanay ang turing ni Mark kay AiAi dahil hindi ito nagkukulang ng mga paalaala sa kanya.

Sinabi ni Mark na isa si AiAi sa cast member ng Let The Love Begin na hindi niya makakalimutan.

Memorable kay Mark ang first taping day niya para sa Let The Love Begin dahil ni-reshoot ang kanyang mga eksena. Kasi naman, Katy ang name ng kasama ni Mark sa eksena pero Kathy ang pangalan na nabanggit niya. Mark is Mark talaga!

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATE AI

DAHIL

DIREK GINA

LET THE LOVE BEGIN

MARK

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MGA

WILLIE

WOWOWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with