^

PSN Showbiz

Ogie at Regine ‘naka-recover’ na sa pagkakasakit ni Nate!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Okay na ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid pagkatapos nilang parehong mataranta sa pagkaka-ospital ng anak nilang si Nate noong Biyernes.

Overnight lang sa Makati Medical Center si Nate, pero sobrang nag-alala ang mag-asawa.

Nagpapasalamat sila sa mga nagdasal para sa agarang paggaling ng nag-iisa nilang anak.

“First time kasi na-ospital ni Nate, kaya sobrang nag-worry kami ni Regs,” pahayag ni Ogie nang makausap ko siya kahapon. “Buti na lang, gumaling kaagad.”

Dahil sa pagkakasakit ni Nate, pinagpahinga muna nila ang bata at hindi na pinapasok sa school noong Lunes at kahapon.

“Kailangan magpahinga. Bu­mawi muna ng lakas si Nate,” sabi pa ni Ogie at malamang daw, ngayon na lang papasok sa school ang bata.

Sa Biyernes, malamang din na ma­kasama si Nate ng inang si Regine sa panonood kay Ogie sa MuSIKATin concert sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria sa Santa Maria, Bulacan.

Ang MuSIKATin ay tinaguriang biggest OPM concert dahil puro OPM songs ang kakantahin ni Ogie at ng kanyang mga guest.

Sobra ang pagmamahal ni Ogie sa OPM dahil napakarami niyang proyekto para sa ating local music industry.

Si Ogie rin ang presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit).

Sa Biyernes (February 20) na nga pala ang MuSIKATin.

Ruffa at Jordan ilalantad na ang totoong relasyon!

Ilang araw na sa Bali, Indonesia si Ruffa Gutierrez kasama ang boyfriend na si Jordan Mouyal.

Nagrereklamo ang fans na sumusubaybay sa Instagram account ni Ruffa dahil isang beses pa lang siyang nagpo-post ng litrato nila ni Jordan na magkasama.

Inusisa ko si Ruffa tungkol doon.

“I posted one, that’s enough. Hahaha. Can we have some mystery please!” sey sa akin ni Ruffa.

Sa pag-uusap namin, nabanggit ni Ruffa na magpo-post din siya ng video, pero tanging voice lang daw ng kanyang boyfriend ang maririnig doon.

“For those asking and curious about our relationship, abangan na lang nila ang March issue ng Star Studio dahil may exclusive pictorial and interview kami. I think, lalabas na ‘yon if not sa weekend, next weekend,” sabi pa ni Ruffa.

Sa pagkakaalam ko, mas marami rin ang magi­ging participation ni Jordan sa third season ng reality TV series ng Gutierrez family, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez na ipapalabas pa rin sa E! Asia.

Malamang din, ang mga kuhang litrato at videos nila sa Bali ay mapapanood din sa nasabing rea­lity TV series kaya hindi gaanong ipino-post ‘yon ni Ruffa sa kanyang Instagram account.

 

vuukle comment

INSTAGRAM

IT TAKES GUTZ

JORDAN MOUYAL

MAKATI MEDICAL CENTER

NATE

OGIE

PHILIPPINE ARENA

RUFFA

SA BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with