^

PSN Showbiz

Career ni Iñigo Pascual mabilis ang usad!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang mabilis na nakapagbida si Iñigo Pas­cual sa Relaks, It’s Just Pag-ibig. Mabilis din ang pag-level up ng mga role na ipinagkakatiwala sa kanya. Sa kanyang ikatlong pelikula lamang ay ba­ha­­­­­gi na siya ng isang love triangle ng Teen Royalty, sina Daniel Padilla ang kinikilalang King at Kathryn Bernardo, ang kanyang Queen, Crazy Beautiful You. At bilang proteksyon sa mabiis na pagsikat ni Iñigo hindi siya lalabas na kontrabida ng dalawa, bi­bigyan lamang niya ng magandang laban kay ­Kathryn ang ka-loveteam nitong si Daniel.

“Mabait po ang role ko,” paliwanag ng anak ni Pio­lo Pascual sa presscon ng Crazy Beautiful You, isa pa ring journey ng magka-loveteam na ina­a­sahang dudumugin ng manonod sa takilya, katulad ng mga nakaraan nilang pelikula.

Habang sumasagot sa tanong si Iñigo ay hindi maiiwasang maisip ang kanyang ama dahil magkaboses sila. Sinabi rin ng direktor na si Mae Cruz –Al­viar na nakuha rin niya ang galing sa pag-arte ng kanyang ama kaya hindi siya nahirapan dito.

“Nahirapan ako nung una,  pero mabilis akong na­ka­pag-adjust. Both Daniel and Kathryn are kind and very generous to me. The mo­vie proves a big challenge because it’s just my third film and I’m aware that people are expecting more from me,” pag-amin ng bagong artista.

Gaganap na mga magulang nina Daniel at Kathryn sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino na nung pa­nahon nila ay ilang beses ding nagkasama sa mga proyekto. Hindi nga lamang sila nabuo bilang pareha dahil may ibang itinambal sa kanila.

Toni-Coco movie nasa mabuting kamay

Talagang walang pagkapigil sa pagsikat ni Antoinette Jadaone bilang director at writer ng pelikula. Siya ang naatasan ng Star Ci­ne­ma na magsulat ng istorya na pagtatambalan nina Coco Martin at Toni Gonzaga sa pelikula. Hindi lamang si Toni kundi maging ang kanyang network ay ginagawa ang lahat para maging ispesyal ang proyekto na gagawin niya bago man lamang sila magpakasal ni Direk Paul Soriano. 

At base sa kanyang record na naitala, si An­toinette ang pinakamagandang choice to handle the Coco-Toni project. Hindi pa limot ng ma­­nonood ang istorya niya ng English Only, Please na hi­na­­ngaan at dinumog sa takilya nung MMFF. Ka­sa­lukuyan ding pinapanood pa sa mga sinehan ang This Thing Called Tadhana na nagpakitang may chemistry at bagay magkapareha sina Ange­li­ca Panganiban at JM de Guzman. Si Direk An­toi­nette din ang nasa likod ng kuwento sa mga pe­­li­kulang Relaks It’s Just Pag-ibig at Beauty in a Bottle. Coco and Toni are in good hands.

Jake nagalit na sa ‘panggagamit’ sa publicity ni Albie sa anak ni Andi

Tinawag na promo publicity ni Jake Ejercito ang ginagawang muling pagtanggi ni Albie Casiño na anak niya ang anak ni Andi Eigenmann. Ipinaliwanag ng Kapatid actor na walang ebidensya si Andi na sa kanya nga ang anak nitong si Elle dahil pinagsabay sila nito ni Jake. Agree naman si Andi dahil tapos na para sa kanya ang isyu ng kanyang anak at wala nang narinig sa kanya mula nang sabihin niyang si Albie ang ama ng bata. Kaya naman nagtataka sina Andi at Jake kung bakit binubuhay na muli ni Albie ang isyu gayung kinalimutan na maging ni Andi ang paternity ni Elle. At itinuturing nila na unfair para sa bata ang mahatak muli sa isyu. Oo nga naman!

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASI

ANDI

CRAZY BEAUTIFUL YOU

JUST PAG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with