^

PSN Showbiz

Balikang Luis at Angel nakaisang taon na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang taon na pala ang ‘balikan’ nina Luis Manzano at Angel Locsin. Parang kailan lang nang mabalita ang nasabing reconciliation nila.

“Its been one year since this beautiful night, the night when God, destiny and love all held hands to bring our hearts back together. Let the happiness of our smiles be a mere preview of the happiness in store for us today till forever. Happy anniversary Kiti ko! I love you,” sabi ni Luis sa kanyang Facebook account.

Hinuhulaang engagement na ang susunod na announcement ng dalawa bagama’t sinabi na ni Luis na ayaw niyang gawin publicly ang proposal niya sa actress.

Malay natin baka nakapag-propose na siya.

Cesar bumisita sa Mamasapano

Buti pa si Cesar Montano narating na ang Mamasapano, Maguindanao. Binisita niya ang lugar kung saan napatay ang mga kawawang SAP members matapos ang bakbakan, base sa kanyang inilagay na pictures sa kanyang Instagram account.

Walang binanggit na ibang detalye ang actor kung bumisita lang siya sa nasabing lugar o namigay siya ng tulong sa lugar na pinangyarihan ng bakbakan.

Kris marami raw natutunan sa ginawa ni Erap

Si Kris Aquino na naman ang nagbalita sa kanyang Instagram account na nag-sorry sa kanya si Ex-President and now Manila Mayor Joseph Estrada.

Katulad din sa ginawa niyang pagpo-post ng message niya kay Juday, kahapon ay ibinalita niya sa kanyang followers ang sorry ni Erap.

“He called me at 11:08 PM. Pag hello ko pa lang, nag sorry sya agad, ‘sorry Kris sa pinagsasabi ng anak ko, ngayon ko lang nalaman, nahihiya ako sa yo, sa pamilya nyo’ dinagdag nya na naging mabuti at ma respeto kaming mga magkakapatid sa kanya. 5X nyang inulit yung salitang SORRY, sorry talaga.”

“I said: president mayor, wala ho kayo dapat ihingi ng tawad sa kin. Okay na okay po tayo... Napakalaking bagay po ng effort nyong tawagan ako. Hindi po kinailangan pero MARAMING SALAMAT PO.

“Naging totoong magkaibigan sila ng Mom ko & I know part of the reason he called me tonight was because of that bond they shared. In the year & a half our Mom battled cancer, president mayor Erap thoughtfully sent food & fruits consistently. I’ve never forgotten his kindness.

“Before I sleep, i learned so much again tonight from this season of my life, about respect, about humility, about reaching out, and about personal effort. Thank You God for continuing to strengthen me, teaching me, and molding me,” sabi ni Kris sa naka-post na photo ng mommy niya at ni Erap.

Maalalang nagpahayag ng galit ang anak ni Erap kay Laarni Enriquez na si Jerika (na may anak kay Bernard Palanca) kay Kris dahil sa pambu-bully daw nito sa kanyang programa araw at gabi (KrisTV at Aquino and Abunda Tonight).

Jadine fever nakarating na sa Doha

Hindi na lang talaga sa Pilipinas sikat ang magka-loveteam na James Reid at Nadine Lustre.

Dinumog sila kamakailan sa Doha, Qatar ng mga kababayan nating Pinoy na nakabase sa nasa­bing bansa sa kanilang first-ever show abroad.

Pinasaya ng magka-loveteam ang thousands of Filipino fans sa Al Arabi Stadium in Doha, Qatar.

Anim na beses silang kumanta and were crowned Prince and Princess of the cosplay event billed  Winterwonderland where they helped award the winners. Kasabay noon ay binansagan silang The Royal Love Team.

Shortly upon arriving din in the city, mainit silang tinanggap ng Philippine Ambassador to Qatar at buong Filipino staff at the Philippine embassy during a courtesy call.

Nagkaroon din sila ng meet and greet and album signing session at the concert venue before doing soundcheck for the show. At in fairness pinupuri sila ng mga kababayan nating nandun dahil game na game sila sa kabi-kabilang pagpapa-picture ng fans. Very accommodating daw ang dalawa.

Patunay talaga ito na ‘di na talaga matatawaran ang kasikatan ng magka-loveteam after ng back-to-back blockbuster movies nilang Diary ng Panget and Talk Back and You’re Dead, a top-rating TV show, hit albums, several endorsements, and a string of magazine covers kaya inaasahang mas sisikat sila ngayong 2015.

Tapos na ang pelikula nilang Para sa Hopeless Romantic and due for release ngayong first quarter of the year. Sila rin ang bida sa Valentine episode ng MMK at marami na silang mga naka-line up na  international shows.         

vuukle comment

AL ARABI STADIUM

ANGEL LOCSIN

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BEFORE I

BERNARD PALANCA

CESAR MONTANO

DOHA

ERAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with