^

PSN Showbiz

Mary Jean mabilis naka-move on sa pagkatalo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Napaiyak si John Lapus nang mag-sink sa kanya na hindi lumusot sa Top 5 ng Miss Universe si Mary Jean Lastimosa.

Scene: Mabilis na naka-recover si Mary Jean Lastimosa sa kanyang pagkatalo sa Miss Universe 2014. Umapela si Lastimosa na hindi dapat sisihin ng mga tao sa pagkatalo niya ang gown na ipinasuot sa kanya ni Mrs. Stella Araneta, ang Colombian beauty na nakapangasawa ng Pilipino at founder ng Bb. Pilipinas Charities Inc.

Seen: Kababayan ni Mrs. Stella Araneta ang nanalo na Miss Universe 2014, si Paulina Vega ng Colombia na isa sa mga early favorite candidate.

Scene: Tinutukan kahapon ng buong bansa ang live at delayed telecast ng Miss Universe 2014 mula sa Miami, Florida. Naputol ang pagdiriwang ng mga Pinoy nang hindi tawagin ang pangalan ni MJ Lastimosa sa Top 5 candidates.

Seen: Bukas ang last taping day ng Ang Lihim Ni Annasandra, ang afternoon fantaserye ng GMA-7 na magtatapos sa February 6.

Scene: Hindi nakakatawa ang mga hirit ni Empoy Marquez sa mga eksena niya sa Mac N Chiz. Si Empoy ang binansagan na bagong Rene Requiestas ng comedy.

Seen: Ang kakaibang concept ng Move It: Clash of Street Dancers, ang dance show nina Tom Taus at Jasmine Curtis-Smith na hindi pa masyadong maarok ng televiewers.

Scene: Iniiwasan nang mag-overtime ang It’s Showtime para makapagsimula sa oras ang Flordeliza at ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, ang mga bagong afternoon teleserye ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANG LIHIM NI ANNASANDRA

CLASH OF STREET DANCERS

EMPOY MARQUEZ

JASMINE CURTIS-SMITH

JOHN LAPUS

LASTIMOSA

MARY JEAN LASTIMOSA

MISS UNIVERSE

MRS. STELLA ARANETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with