^

PSN Showbiz

Kris gusto pa rin maging parte ng buhay si Herbert

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Friends na lang talaga sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kabila ng pagbisita ng alkalde sa bahay ng “Queen of All Media.”

Nilinaw ni Kris na nais na lamang niyang maging parte ng buhay si Herbert bilang isang mabuting kaibigan na pahahalagahan niya hanggang kamatayan.

“I want him to remain a part of my life, I want us to be friends until our dying day and the reason I'm able to say that is because tanggap siya ni Bimby,”  paglilinaw ni Kris sa “Aquino & Abunda Tonight” kagabi.

Napag-usapan ang pagbisita ni Herbert sa bahay ni Kris nang mahagip ng camera ang alkalde na ipinalabas sa taped episode ng “Kris TV” kahapon.

Ikinuwento ni Kris na tinanong siya ni Herbert kung maaari mag-lunch sa bahay niya nitong Pasko, na kaagad niyang tinanggihan,

“Hoy, HB, babae pa rin ako. May meaning pa rin ang Pasko. 'Wag na lang naman sa Pasko, puwede naman tayo magkita sa ibang araw.'” kuwento ni Kris.

“I just said na even we're already friends I'm sill a girl. At some point we shared something special, so kung pupunta ka do'n baka kung ano pang interpretation ang ibigay ko. Ibang araw na lang,” dagdag niya.

Ikinagulat ni Kris ang pagdating ni Herbert habang nagmimisa sila para sa kanyang staff.

“Kalagitnaan ng mass, dumating [si Herbert],” wika ng “Feng Shui 2” star. “Sabi ko, 'gusto mo ba maki-pray?' Tapos sabi niya, 'Nagsimba na ako, dalawang beses lalagpas langit na ko.'”
'Friends until our dying day'

Sa huli ay nakiusap siya sa publiko na huwag nang gawing issue ang pagbisita ni Herbert sa kanila.

"Sana 'wag na nila bigyan ng any other kahulugan apart from the fact na we managed to become friends. When the year started we rekindled the friendship, and the year ended that I can say he's one of my closest friends.”

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

AQUINO

FENG SHUI

HERBERT

KRIS

KRIS AQUINO

PASKO

QUEEN OF ALL MEDIA

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with