Aga, nag-flex ng solid muscles at abs!

‘Pag mataba, may nega, ‘pag naman pumayat may namba-bash pa rin.
As in may kanya-kanyang hanash as if alam nila ang pinagdaanan ng pagpayat ni Aga Muhlach.
Samantalang ‘di naman nila nakikita si Aga na may muscles at abs pa nga.
In fact, kaaliw ang playtime tsikahan niya sa matatagal at malalapit nang kaibigan sa entertainment media pagkatapos ng grand mediacon ng 2nd Miracle in Cell No. 7, ang Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films at PhilStar Media Group ngayong 2026.
Naging sentro kasi ng biruan at kantyawan ang yummy aura ngayon ng multi-awarded actor na umabot pa sa pabiro niyang pagpi-flex ng solid muscles sa kanang braso at paghipo ng writers sa kanyang abs. Nang akmang ivi-video na ito, umiwas si Aga, ‘wag na raw nakakahiya.
Kaya tanong namin kung totoong may abs na siya?
Kaya inurot siya kung pwedeng pahawak nga ng muscles para mapatunayan kung totoo nga.
Hahaha.
“Buo yan!” pagmamalaki ng OG ‘80s heartthrob.
At nang tanungin kung may abs na rin siya, tango ulit ang isinagot ni Aga.
Ilan na? Natatawang sagot niya, “Five! Kulang pa ng isa, hahaha!”
“Sumabit pa ‘yung isa,” say ng isa naming kasama na dinugtungan naman ng aktor na, “Hindi tayo perfect” kaya tawanan ulit.
Seriously, ani Aga, matagal na siyang overweight kaya panahon na para i-prioritize ang kanyang health at weight loss journey. “I just don’t post, yeah, up to now. Ang gym kasi namin nasa bahay namin kaya hindi ako nakikita. But may gym kasi ako sa bahay so my trainer would come to the house and I started biking tapos ‘yung nutrition ko on point talaga,” sabi niya.
Sobrang dibdiban nga raw ang ginawang pagpapapayat ng aktor na mula 246 lbs., ngayon ay naglalaro na lamang sa 168-170 lbs. ang kanyang timbang.
Sama-samang gym workout, biking at calorie deficit ang binanatan ni Aga para ma-achieve ang kasalukuyang built sa loob ng isang taon.
“Kaya nga ‘yung mga taong nanghuhusga, ewan ko sa inyo.
“Alam mo ‘yung first three months, four months ko, hindi nila alam ‘yung iyak ko diyan. Iiyak ka talaga.
“I talked to my trainer, ‘yung nutritionist namin, ginawa ko lahat ‘yon. I’m still confused kasi may ganu’ng panahong takot ako sa carbs din. Takot din ako sa kanin, takot ako sa tinapay. And then they were trying to explain it to me. I just needed to experience it.”
At hindi raw talaga siya tumigil. “January, February. It started in October, nagkuha ‘yung sa sugar, ‘yung para sa sugar na namo-monitor mo ‘yon. So ‘pag napag-aaralan ko, ‘pag kumain ka ng bad food, kita mo spike talaga ‘yung insulin mo. So may ganon. Dun nag-start so naco-conscious na ako sa ganon. So nababantayan ko na ‘yon. Gusto ko ‘yung blood sugar ko always…October, November, December. Sabi ko, ‘Teka muna magbe-break lang ako. Magdadagat kami. Kasi palagi kaming nasa boat. Nagdadagat kami. Tanggalin ko muna.
“Sabi ko pagbalik ko ng January pero nakabantay na ako sa pagkain ko. Pagbalik ko ng Jan. 3, it started again. Pero kausap ko na ‘yung trainer ko saka ‘yung nutritionist, ‘Jan. 3, I’m coming back, Jan. 5 was my first day. Cut talaga. Cut clean talaga. Talagang counted ‘yung calories ko. Mahirap siya. Pero ngayon hindi na.
“Sabi sa akin ng trainer ko ‘you can’t survive.’ Natakot na nga ako. Feeling ko mas sanay tayo na ‘gusto ko in two months mawala ‘yung weight ko.’ It’s not gonna happen. But if you stick to it, on your fifth and sixth month, you will see, it will drop fast. So, I just had to trust the process. January, February, nawalan na ako ng 10 lbs. Nawalan na ako ng 20 lbs. Wala lang nakakapansin no’n kasi malaki pa rin ako. Pero ako alam ko ‘yon. Sabi ko from 246, nag-226 na ako. Ta’s nung 226, mamaya after nung mga four months, five months, nasa 206 na ako. So ‘yung 206 ko na ‘yon, ang tagal ko bago na-break ‘yung 200. Matagal ‘yon pero pinapabayaan ko lang because sabi nga do not look at your weight when you start,” pagkukuwento ni Aga sa pinagdaanang journey bago tuluyang pumayat.
At kitang-kita ‘yon sa screen habang pinapanood ng press ang official trailer ng 2nd Miracle… na, incidentally ay mayroon nang mahigit 10 million views across all platforms in 48 hours.
Ang 2nd Miracle… ay prequel ng topgrossing 2019 MMFF entry na Miracle in Cell No. 7, na pinagbidahan din ni Aga kasama sina Xia Vigor, Bela Padilla at marami pang iba.
Kwento ng aktor, napanood na ang trailer ng misis niyang si Charlene Gonzalez at anak na si Andres Muhlach at aprub na aprub sa kanila ang ganda ng pelikula.
Sey nga raw ni Andres, na ang tawag sa kanya ay ‘pare,’ “Dad, pare, ang ganda nito. He calls me pare. ‘Pare, ang ganda nito.’ Sabi ko, ‘wow, thank you, thank you.’”
Naluha naman daw si Charlene habang nanonood dahil sa naramdamang kurot sa puso dala ng istorya ni Joselito o Lito (karakter ni Aga sa movie).
Gaya sa Miracle in Cell No. 7, kasama muli ni Aga sa 2nd Miracle... sina Xia, Joel Torre, Mon Confiado, Soliman Cruz, JC Santos, atbp.
Gumaganap naman bilang maybahay niya rito ang personal choice niyang si Jodi Sta. Maria sa ilalim pa rin ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Mel del Rosario.
Mag-uumpisang mapanood ang 2nd Miracle in Cell No. 7 sa mga sinehan nationwide simula Dec. 25 bilang isa sa walong entries sa 52nd MMFF.
- Latest




















