^

PSN Showbiz

Fans ginagamit si Ryzza Mae para hindi layasan ni Isabelle ang GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang fans ni Isabelle Daza at pati sila pinipigilan ang dalaga na umalis ng GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN. Ang daming sinasabing rason ng fans para hindi lumipat ng network si Isabelle at isa rito’y ang pagka-miss niya kay Ryzza Mae Dizon.

Close sina Isabelle at Ryzza at nagsisilbing tutor si Isabelle ni Ryzza, tinuturuan niya ito at tinutulungan sa assignments ng bagets. Binibigyan niya ng assignments si Ryzza at tsini-check niya ‘pag nagkikita sila sa Eat Bulaga. Kapag wala na sa show, nagpi-facetime sila para ituloy ang communication.

Noong Tuesday, nag-post ng picture si Isabelle sa kanyang Instagram (IG) account. Nasa gitna siya ng drawing ng dalawang lalaki na may headband. Ang nakasulat sa headband ng isang guy ay Forever at sa isa ay Eat Bulaga.

Emotion ng heart ang caption ni Isabelle at para sa fans nito ay hindi iiwan ni Isabelle ang show, kaya masaya sila.

LJ may love life na uli?!

Ang ganda ng nasaksihan naming eksena. Habang kausap kasi namin si LJ Reyes after watching You’re Not You, nagpahid ito ng luha sa mata gamit lang ang kamay. Biglang may lumapit na gwaping at binigyan siya ng panyo, at ito na ang ginamit ni LJ na pamunas ng kanyang luha.

Naalala ni LJ ang kanyang lola na kapapanaw lang. Nabanggit niyang sana, hindi lang ang sakit na ALS o Amyotropic Lateral Sclerosis na tinalakay sa movie ang bigyan ng pansin. Dahil umiiyak, hindi tuloy namin natanong si LJ kung ang guy na nagbigay ng panyo ang madalas niyang nakakasama ng gumala sa labas.

Showing pala sa November 26, ang You’re Not You. Sa movie, ipinakikita ang struggle ng isang may sakit na ALS at tampok dito sina Hillary Swank, Josh Duhamel, at Emmy Rossum. Sa mga naki-ice bucket challenge for ALS, panoorin n’yo ang pelikula.

Davey Langit ‘tinamaan’ kay Lara

Nagka-crush pa yata si Davey Langit sa kapwa talent niya sa ATeam na si Lara Maigue dahil after the presscon at ipakilala sila sa press, nag-tweet si Davey na super ganda raw pala si Lara.

Papayagan kaya ni Ogie si Davey na manligaw kay Lara kung sakaling single ito? Hindi ba bawal ang ligawan sa ATeam? Pero may problema pa rin, taken na si Lara at sa U.S. nag-aaral ang BF na nagma-master ng cello.

Natawa lang si Lara sa pang-intriga ng press na baka ma-link sila ni Ogie at pagselosan siya ni Regine Velasquez-Alcasid. Hindi raw mang­ya­yari ‘yun dahil mataas ang respeto niya sa mag-asawa. “Sir” ang tawag niya kay Ogie at “Miss Regine” sa Songbird at anak ang turing sa kanya ng dalawa.

Napapanood sa Trenderas ng TV5 si Lara, pero naniniwalang mas magtatagal siya kung patuloy na magsusulat ng magagandang kanta. Kaya kahit maging busy pa sa acting, hindi siya titigil sa pagsusulat ng mga kanta. Malapit nang maging available for download ang first single niyang Without You .

vuukle comment

AMYOTROPIC LATERAL SCLEROSIS

DAVEY

DAVEY LANGIT

EAT BULAGA

EMMY ROSSUM

LARA

NOT YOU

OGIE

RYZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with