^

PSN Showbiz

Marjo hindi kinalasan ng fans

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May halong excitement at kasiyahan ang gagawing pagbabalik ng ABS-CBN sa tambalang sumikat nung ‘90s nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, sinasakyan na lamang ng dalawa ang pagpapainit ng Kapamilya Network sa kanilang pagbabalik tambalan na tulad nang ginawa nilang pag­pa­painit sa tambalang Kathniel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padil­la, Jadine nina James Reid at Nadine Lustre at ng KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim. Obvious namang marami pa ring loyal followers ang dala­wa na hindi man nagkaroon ng  seryosong ugnayan ay ti­nang­gap ng buo ng mga tagasubaybay ng local showbiz.

Mayroon agad serye ang dalawa, ang Florde- liza. Ang pagbabalik tambalan nila na binigyan pa ng pangalang MarJo ay sinususugan ng marami nilang tagasubaybay na ngayon lang nila napagtanto ay hindi pala sila hinihiwalayan at patuloy na sinusubaybayan. Andun sila sa social media at nagpapakita ng kanilang katuwaan at suporta.

Gerald at Maja hindi pinanindigan ang mga sinabi

Binali ng magdyowang Gerald Anderson at Maja Salvador ang pasya nilang huwag magtambal sa TV o maski na sa movie sa pagpayag nilang lumabas sa isang  Christmas project ng ABS-CBN, ang Give Love on Christmas Presents: Gift of Life. Maganda ang istorya at makapagbibigay ng inspirasyon kaya nila ito tinanggap. Pero hindi pa nila masabi kung magtutuluy-tuloy ang pagsasama nila sa pelikula. May pelikulang gagawin si Gerald with Shaina Magdayao at si Maja naman ay tuloy na sa seryeng tinanggihan diumano ni John Lloyd Cruz dahil wala  daw silang chemistry. Kasama sa serye si Jericho Rosales. Pinalitan si JLC ni Xian Lim.

 

vuukle comment

CHRISTMAS PRESENTS

DANIEL PADIL

GERALD ANDERSON

GIFT OF LIFE

GIVE LOVE

JAMES REID

JERICHO ROSALES

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with