^

PSN Showbiz

Lea at Sarah tuloy ang labanan!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa rami ng mga Pinoy na nananalo sa mga international singing contests tulad ng X Factor sa Israel at very recently, sa Australia’s Got Talent, hindi kataka-taka kung mas dumami pa ang viewers ng The Voice of the Philippines para lamang mapatotohanan na wala nang gagaling pa sa mga singer na Pinoy o may dugong Pinoy. Lalo na ‘yung mga nananalo rito mismo sa ating bansa. True enough, ‘yung first batch na sumalang sa blind auditions at napanood nu’ng unang araw ng pagpapalabas nito sa ABS-CBN ay sapat na para sabihing mas magagaling pa ang gustong sumubok para makilala at maiuwi ang premyo na naghihintay sa mananalo.

Bukod sa mga magagaling na kalahok, gumagawa rin ng sarili nilang istorya ang apat na  coaches/mentor ng VOP na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Apl de Ap, at Bamboo. Maginoo man at hindi nagpa­pagalingan ang dalawang lalaking coaches, hindi ito ma­sasabi sa dalawang babaeng coaches na hindi lamang nagpapasikatan sa galing sa pagkanta kundi maging sa pagpili ng mga iku-coach.

Jason ‘natulungan’ ni Vickie na magka-career

Akala ng marami ay mananatili na lamang si Jason Abalos sa anino ng kanyang napakagandang girlfriend na nagpapansin sa katatapos na PBB (Pinoy Big Brother) All In.

Matagal nang artista ang binatang taga-Nueva Ecija at bagaman nagpakitang gilas na siya sa pag-arte sa maraming proyekto na kanyang ginawa, ang lahat ng ito ay sinapawan na tila ay muntik nang pagkakaagaw ni Daniel Matsu­naga sa kanyang girlfriend na si Vickie Rushton. Kundi lamang sa maagap na pag-take over ni Kuya sa sitwasyon at pagpapapasok kay Jason sa loob ng kanyang Bahay ay baka isang magandang relasyon ang naputol.

Pero ang episode na ‘yun sa PBB house ay hindi lamang nagsilbing wake up call sa aktor para ayusin ang kanilang relasyon ni Vickie, nagsilbi rin itong taga­pagpaalala sa mga bossing ng Kapamilya Network na heto ang isa pa nilang artista na hindi lamang guwapo kundi kaya pa ring gampanan ang maraming roles na madalas ay naibibigay sa iba na sa halip ay sa kanya.

Nag-audition si Jason para sa role ni Victor na pinag-aagawan ng dalawang babae sa Two Wives, si Yvonne (Kaye Abad) at Janine (Erich Gonzales).

In fairness sa tatlong bida ng Two Wives, nakuha na nila ang interes ng mga manonood sa ka­nilang mahusay na pagganap ng kanilang roles.

Ellen hindi takot kay Angelica

Sa takbo ng career nga­yon ni Ellen Adarna, tila wala siyang ginugusto na hindi niya na­ku­kuha. Matapos makawala sa network na una niyang pi­nag­trabahuhan, tila walang pagkapigil ang pagbulusok ng tagumpay sa mundo na kanyang piniling pa­sukin. Hindi lamang magagan­dang proyekto sa tele­bisyon ang ipinagkakaloob sa kanya ng Kapa­mil­ya Network, maging sa pelikula ay umaarangkada na rin siya. Matapos siyang mama­yag­pag at halos ay agawin ang spot­light sa bida ng Moon of De­sire, heto siya at makikipagpa­ligsahan sa ganda at kaseksihan kina Angelica Panganiban, Assunta de Rossi, at Angeline Quinto sa isang pelikula na magpapakita na may talent din siyang magpatawa, ang Beauty in a Bottle. Kasabay ito ng paglulunsad sa kanyang ng Ginebra San Miguel bilang Calendar Girl nila para sa taong 2015. Sinundan niya ang mga sikat na pangalan nina Marian Rivera, Georgina Wilson, Solenn Heussaff, Anne Curtis, at iba pa. Ang maganda sa bagong mukha na bubulaga kasabay ng selebrasyon ng ika-180 na anibersaryo ng pangunahing inuming panglalaki ng bansa, ay wala siyang nararamdamang pressure o takot na baka hindi siya maging matagumpay sa trabahong inaasahan nila sa kanya.

Sa kabila ng kanyang pagiging Calendar Girl ng Ginebra, sinabi ni Ellen na tatanggap pa rin siya ng mga kontrabida roles na magpapagalit nang husto sa mga manonood ng TV at pelikula. “Hindi naman ako mapili. Basta maganda ang role ay gagawin ko, maipamalas ko lamang ang aking versatility ba­ga­man at gusto ko rin namang magbida sa mga pro­jects na tinatanggap ko. Gusto ko rin makatambal ang mga magagaling na artistang lalaki ng ABS CBN. Tulad ni John Lloyd Cruz na alam kong mahahawa ako sa kagalingan once na magkasama kami,” matapat na pahayag ng bagong artista.

When informed na baka magkaro’n sila ng friction ni Angelica Panganiban dahil target niya ang boyfriend nito, sinabi niyang “Work lang ito. Maga­ling ang boyfriend niya. I’m sure hindi lang ako ang gustong makapareha siya. Besides, may boyfriend din ako na hindi lang supportive sa aking career kun­di mahal na mahal ko rin,” paglilinaw niya.

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CALENDAR GIRL

LAMANG

PINOY

SHY

TWO WIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with