^

PSN Showbiz

Actor at actress/TV host sa iisang bahay na nakatira?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang lakas ng dating nang pagsisimula ng Ilustrado ni Alden Richards sa GMA Telebabad dahil hindi lang dito sa ating bansa napapanood kundi pati sa Amerika.

Simulcast na napanood ito sa ating bansa at sa Amerika kaya kaagad na nakatanggap kami ng magagandang feedback mula sa ilang kaibigan naming naka-base sa Amerika.

Ito nga ang proyekto ni Alden na sobra siyang kabado at intimidated daw siya dahil ginastusan nang husto.

PAK: Ginawang joke na lang ni Marian Rivera ang ilang nagkokomentong wala raw siyang mga kaibigan.

Komento ng isang follower niya sa Instagram (IG) account:  “ikaw na ang walang friend na napakara­ming kaibigan, in and out of showbiz.”

Sumagot ito ng “huh? Meron ba? Wala nga e whahahaha. Lol! Lab ko ‘yang mga yan.”

Napatunayang marami siyang close friends na nagpuntahan sa pangatlong bridal shower niya na ginanap sa isang spa nu’ng nakaraang Linggo.

Isa sa pinasalamatan niya na nag-asikaso nito ay ang best friend niyang si Roxanne Barcelo.

Hindi pa ito ang huli niyang bridal shower dahil meron pa raw mga kasunod.

BOOM: Marami ang naiintriga kay actor at kay actress/TV host dahil matigas ang tanggi nilang naging sila, pero nahuhuli naman sa mga ipinu-post sa kanilang IG account.

Kung pareho mo silang pina-follow sa kanilang IG account, mapapansin mong magkapareho ang bahay na kinukunan nila sa ilan nilang posts.

Sa iisang bahay lang ba sila nakatira? Pero hindi naman daw sabi ni actress/TV host dahil dalawa raw ang bahay niya, at bakit daw siya makikitira pa sa iba?

Pero may ilang taong nakatrabaho nila na nagsasabing talagang sila na. Hindi nga lang nila puwedeng aminin in public dahil sa mga pinagdadaanan ni aktor.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

AMERIKA

DAHIL

GINAWANG

ILUSTRADO

INSTAGRAM

MARIAN RIVERA

PERO

ROXANNE BARCELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with