^

PSN Showbiz

Nora, naghihintay pa sa mga donasyon para makalipad sa cannes

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Nora, naghihintay pa sa mga donasyon para makalipad sa cannes
Superstar Nora Aunor

Magsisimula na ang Cannes International Film Festival at hindi pa rin sure, makakadalo ba ang ating Superstar Nora Aunor, National Artist sa premiere ng Restored Version ng kanyang Bona sa Cannes Classic section? Isang malaking karangalan sana kung makadalo siya at maka-red carpet din!

Sinu-sinong tao at anu-anong government agencies kaya ang tumulong?

Sana magawan pa ito ng paraan soonest!

Yayo, nagpa-tribute sa inang 101 ang edad

Napakaganda ng tribute ni Yayo Aguila sa kanyang nanay-nanayan na nag-101 years old kahapon!

At dito galing ang mga tanong: nasaan ang mga tunay na magulang ni Yayo, at bakit at paano sila nawala?

Mapalad siya at napunta siya sa isang pamilya na talagang kumupkop at nagmahal sa kanya.

Sana dumami pa ang katulad ni Yayo na tuluy-tuloy na nagpupugay at nag-aalaga sa elderly, kasi sila ang bine-bless.

‘Yung ibang may hidwaan sa mga magulang, parang may kulang sa buhay nila, ‘di ba?

Donita, halatang nagpagalaw

Kailangan ba talagang magparetoke si Donita Rose ng mukha?

Kilala si Donita bilang isa sa pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz. Bakit pa niya naisipang magpagawa pa?

Hindi na ba siya kuntento sa kung ano ang meron siya?

Kung tutuusin, kebs niya siguro sa mga nagtatanong, dahil hindi naman tayo ang may katawan, at lalong ‘di tayo ang magbabayad ng bill kaya wala silang pake sa anumang opinyon natin.

Pepe, nakabawi sa parokya musical

Buti na lang at kahit na hindi kumita ang kanyang solo movie na Bantay Bahay under Regal, meron naman chance si Pepe Herrera na i-redeem ang sa teatro! Sa mga nakapanood na ng Buruguduystunstugudunstuy, The Parokya Ni Edgar musical, stand out talaga si Pepe at naipakita naman ang kanyang galing sa pagkanta at pag-awit sa teatro.

Puwede kayang maulit ang roles na tulad nu’ng sa Rewind na ikinapanalo pa niya ng Best Supporting Actor award sa Manila International Film Festival? Sana!

Gabby, nagplanong mag- solo concert

Totoo bang bago raw namatay si Direk Floy Quintos ay nakipag-meet sa kanya si Gabby Concepcion at ang kampo nito for a major solo concert sana?

Paano na ‘yun, tuloy pa rin ba? Kung solo concert daw ito sana, ibig sabihin, kanya-kanya na sila ni Megastar Sharon Cuneta kahit sa concert scene at wala nang repeat-repeat ang Dear Heart?

Nakakata-Quote

“No matter how heavy your feet may become...how tiring the journey might get... remind your self not to stop... keep pushing forward...

“we need to learn how to accept the things that we cannot change anymore and focus on the things that we can control at the moment.” – Andrew Schimmer na may 2 years na nang pumanaw ang partner at dinalaw ang puntod kamakailan

vuukle comment

ACTRESS

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with